CHAPTER 16

77 3 0
                                    

Harley's POV



Nasa convinience store kami ngayon, bumibili nang mga pagkain para kay Asha. Dahil hindi na namin siya mahanap sa school kanina napagisipan namin na umuwi na siya. Nang makabili na kami ay inilagay namin ang mga nabili namin sa kotse ni Nik at doon naman sumakay si Hershel at Joshua. Papunta na kami sa bahay nila Asha ngayon at ang cool nga naming tingnan kasi ako ang nasa unahan na naka motor tapos may tatlong mamahaling sasakyan saking likod na nakasunod.



Nang makarating kami sa village nila Asha ay pumunta kami kaagad sa bahay nila. Madilim na din nang makarating kami kasi ang tagal namin siyang hinanap sa school tapos ang laki pa nang campus namin. Sa convinience store naman natagalan din kami kasi nabigla daw sila sa motor ko at nakita daw nila ako sa parking lot one time, ang daming sinabi nang tatlong lalaki. Simple lang ang bahay nila Asha since dalawa lang naman sila nang ate niya ang nakatira dito.



Kinakabahan ako habang papalapit sa pintuan nila, kasi wala yung motor ni Asha... kumatok ako sa pinto nila at agad namang sumagot yung ate ni Asha.



"Wait lang!" Sigaw nang ate niya, maya maya ay bumukas yung pinto at agad namang ngumiti yung Ate niya pagkakita sakin.



"Hi po Ate Chloe" nakangiting sabi ko



"Hey Harley! ang tagal nating hindi nagkita" sabi ni Ate Chloe at nag hug kaming dalawa



"Hehe oo nga po, busy sa training eh"



"So.... si Asha ba hanap niyo?" Sabi niya sakin at tumingin sa mga kasama ko.



"Opo, saan nga po ba si Asha?"



"Ano kasi eh.... umalis siya"



Nawala bigla yung ngiti ko... "Saan po?"



"You know where Harley" sabi ni Ate Chloe at pilit ngumiti.


...


Nandito kami nakatayo, at unti unting dinudurog yung puso ko sa nakikita ko. Isang babaeng nasasaktan... Nakaupo katabi ang mama niya at may jollibee na dala, dalawang pineaple juice at burger.



Inilagay niya ang pineaple juice at burger sa lapida nang mama niya... at si Asha naman ay nakangiting kumakain habang nagkukwento sa mama niya.. Ang sakit, ang sakit tingnan yung kaibigan mong nasasaktan pero wala kang magawa para mawala yung sakit na nararamdaman niya kasi........

My Eyes on the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon