CHAPTER 28: ACQUAINTANCE PARTY

57 3 0
                                    

Asha's POV



"ISA PAAA!" Sigaw ni Harley



"Aish! ikaw kaya sumayaw? amp neto"inis sa sabi ko, nakailang 'isa pa' na yan si Harley! walang ending!



Sinigurado ko talaga na hindi ko na malimutan yung mga steps na ngayon lang namin binago, si Harley kasi at Phil ang daming reklamo! Kaya binago ko nalang para tapos! Halos iniba na nga nila lahat nang steps na ako gumawa! Well, ang hindi nila alam ay ang lahat nang steps na SEXY! ay binago ko sa utak ko. Sa performance ko ay yun ang sasayawin ko yung nabuo ko talaga, may iba din namang natirang steps na tinuro sakin ni Phil yung mga hindi nga sexy hehe. Basta ayoko ay ayaw ko talaga, tapos acquaintance party lang to nu! Okey na to!



"Nice!" sabi ni Phil pagkatapos kong sumayaw, ULIT!



"Owemjiii! Excited na is me bukas!" sigaw ni Harley



"Tama na yan, baka makalimutan mo yan bukas kapag sasayaw ka pa" si Phil



"ASHA! ASH! bakit hindi mo sinabi sakin na ang galing mo palang sumayaw!"



"Aish" iritang sabi ko



Hindi pa nga yun ang seryoso kong pagsayaw, chill pa lang yun. Aba syempre dapat hindi nila makita yung full potential ko sa practice! bukas na sa mismong party.



"Hoy vid ha!" sabi ni Phil nung sumakay kami ni Harley sa aming mga motor.



"Yes sir!" sagot ni Harley at may tono pa



"Tara na Harley" sabi ko at binuksan ang makina nang aking motor



"Yes mam!" sabi ni Harley at bumisa bago umalis



~BROOM~BROOM~



syempre akin yun, kasi mas astig ako



"Salamat Phil, kitakits next training" sabi ko at umalis



Nung dumating na kami sa part na maghihiway na kami ni h
Harley nang daan ay tumingin kami sa isa't isa at nag call me sign ako, yung ganito (🤙). Pero hindi naman talaga meaning nun ay tawagan niya ako, nasanay lang talaga ako na yun ang naging sign ko.



Pagka uwi ko ay agad naman akong sinalubong ni Cooper! yung pagod ko ay biglang nawala, kapag nayayakap ko tong kyut na baby ko ay matic na yun.



"Hi bby!" yung boses mo na umiba kapag may baby, yes naging ganyan ang boses sa isang astig na Asha Zein.



Agad naman akong umupo sa sahig at si Cooper naman todo kembot at talon. Nakipag laro lang ako saglit kasi gusto ko nang maligo at mag bihis. Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo agad, pagkatapos ay nag bihis. Bumaba ako ulit para kumain, bihira lang ako kumakain dito sa bahay kapag dinner kasi palagi kaming kumakain ni Harley bago umuwi. Pero dahil ang late na ay umuwi na kami agad.



"Late dinner?" tanong ni ate



"hm"



"Bukas na yung party niyo diba?"



"Yup"



"Ano susuotin mo?"



"Jeans"



"Hala bakit?"



"Sasayaw ako, remember?"



"Alam ko, pero hindi ka naman sasayaw whole duration nang party diba?"



My Eyes on the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon