CHAPTER 13

79 5 0
                                    

Ash Reigo's POV



June 7, friday! Yes finally! Makakalaro na ako bukas, nasa parking ako nang school ngayon at pinapark yung kotse ko syempre ano pa ba? Kinuha ko yung bag ko at bumaba.



"Ash!"



Hays mga babae talaga adik na adik sakin, hindi ko nalang pinansin yung tumawag sakin at nagpatuloy sa paglakad



"Ash! Ash Reigo!"



Nagpatuloy lang ako sa paglakad..



"Hoy Ash!"



"Ano ba?" Inis na sabi ko pero nakatalikod padin "sorry pero hindi ako interesa-" sabi ko at dahan dahang tumingin sa babae na tumatawag sakin pero napatigil ako sa aking sasabihin kasi........ ang sama nang tingin.



"Feeler ka din eh nu?"



"E-eh?"



"Oh" sabi ni Harley at may inabot saking paper bag



"Ano to?"



"Kunin mo nalang" tapos inabot niya sakin yung paper bag "wag kang mag isip nang ano, ibigay mo nalang kay Nik or kay Geo or kay Dan o kay Hershel o kaya Joshua!"



"E-eh?" Sagot ko tapos kinuha ko yung bag



"Sige salamat, nagmamadali talaga ako mabuti at nakita kita!" Si Harley at umalis na



Eh ano ba to? Tiningnan ko yung loob nang paper bag at puno nang pagkain? Naglalakad ako habang tinitingnan kung ano pa yung nasa loob. May nakita akong papel kaya kinuha ko ito babasahin ko na sana pero may gumulat sakin



"Hi Ashy!" 



Dali dali kong inilagay yung papel sa bulsa ko... Tumingin siya sa bitbit kong paper bag "ano yan?"



"Ahh eto?"



"Hm" tiningnan niya kung ano yung loob nang paper bag "wahh foods?"



"Ah hehe oo" sabi ko sabay kamot sa ulo



"Ikaw naman, sweet mo"



Hala! Patay! Nakuu Harley sorry talaga.Tsaka para sa mga kaibigan lang naman niya to or sa akin kaya tsk okay lang!



"Of course ako pa?" Sabi ko sabay bigay sakanya nang paper bag



Pumasok ako nang room at ngumiti dahil nakita ko wala pa ang tatlo! Hah! Himala mas nauna ako! Umupo na ako at nag hintay sa tatlo, pero hindi sila dumating. Pumasok yung first subject teacher namin at parang nagtataka kung bakit nandito ako at nakaupo.



"Mister Elizar bakit nandito ka?"



"Po?"



"Nadun sa headquarters ang mga varsity for sizing"



What? Bakit hindi ko alam to? Nag meeting ba sila tapos wala ako? Hala grabe to ah!



"Ah sige po Miss, thank you po" sabi ko at lumabas nang room



Bumaba ako at habang bumababa ako sa hagdan ay may napansin akong babaeng naka hoodie, nakaupo siya sa gilid tapos nakayuko siya na ang kanyang kamay ay nasa kanyang tuhod. Gets niyo ba? Hindi ko alam kung umiiyak ba siya o ano, kaya kinuha ko yung panyo ko tapos inilagay sa kanyang balikat at patakbong bumaba. Tumakbo na ako baka magalit pa yun sakin kasi sinara ko moment niya.



My Eyes on the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon