CHAPTER 20

70 4 0
                                    

Ash's POV



Last subject na namin ngayon at hindi ako excited sa practice! ewan ko, siguro dahil first time ko... Hindi kasi ako sanay na sumayaw sa public, eh kasi naman sumasayaw nga kami pero sa loob lang nang bahay tapos trip trip lang. Ito seryoso tapos madami pa kami.



Ang dali lang natapos nang last subect pero dati parang ilang oras ang klase ngayon parang 5 seconds lang, huhuhu iyak naba ako?



"Tara na" si Dan



"Natatakot ako tol" sabi ko



"Hala? Bakit naman?" Si Nik



"Ayaw na siguro..." sabi ni Geo



"Hindi naman sa ayaw ko... eh kasi hindi pa tayo nakasayaw sa public diba?"



"Anong tayo? Nakasayaw na ako nu!" Si Nik



"Hala ako din" si Dan



"Same here" si Geo!



So ibig sabihin ako lang ang first timer dito? Hala bat di ko alam na sumasayaw pala sila dati? Hala ang bad nila ah hindi na ako natutuwa



"Oi ang unfair naman neto" reklamo ko



"Wag ka ngang oa sasayaw ka lang naman eh, tapos practice pa to nu!" Sabi ni Nik



Dahil wala naman talaga akong choice ay pumunta na kami sa studio, hindi na gaano karami yung mga estudyante na nandito gaya nung tryout. Pumasok si Emy at nag announce na mag bihis na daw kami. Kinuha ko yung sports bag ko at pumunta sa locker room nang boys. Nag bihis lang ako nang black adidas jogging pants with white shirt tapos yung converse shoes ko.



Hinintay ko muna sila Nik at sabay na kaming bumalik sa studio. Pagkabalik namin ay nandoon na si Drew, kaya yung kompleto na kami at agad naman kaming nag simula. Hinati kami sa dalawang grupo at nasa pangawang grupo naman kaming apat.



Si Emy yung nasa unang grupo at si Drew naman sa amin. Nag simula na kami sa mga steps at agad ko naman itong nakukuha, minsan ay nahihirapan dahil bago sakin yung mga steps. Nang makakuha na kami lahat sa first part ay sinayaw namin sabay sa kanta, nung sa una ay hindi ako makasabay pero sa pangalawang try ay nakuha ko naman ito agad. Nagbreak kami sandali at mag usap usap naman kami tungkol sa party.

My Eyes on the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon