Nik's POV
"Tol?" sagot ko sa tawag ni abo, monday ngayon at kararating ko lang sa school.
"Hindi muna ako papasok ngayon, may importante akong gagawin"
"Ay ganun ba? Sige sige"
Naglakad na ako papasok sa school at naabutan ko naman sila Harley at Asha sa hagdan.
"Hey girls" bati ko
"Hi Nik! Goodmorning" si Harley
"Hey Nik" Si Asha
"Okay kana ba Asha?" tanong ko habang umaakyat kami pataas
"Yea okay na ako, nawala naman agad lagnat ko"
"Tingnan mo na! Nagkasakit ka pala?! Hindi mo ako sinabihan!" sigaw ni Harley
"Shut up, stop shouting. Masakit sa tenga gaga"
Grabe ang cool talaga ni Asha. well, hindi cool ang ginawa niya last time dahil puno na siya ng sugat at pasa pero look at her now. Acting like nothing happened, sanay na ba talaga siya? Totoo ba talaga ang sinasabi ni Ash tungkol sakanya? Na isa siyang masamang babae na pwede din magbigay pahamak samin?
"Kitakits nalang mamaya" sabi ko nung makarating sila sa room nila
"Wala si Ash" sabi ko sakanila
"Bakit naman" tanong ni Dan
"May importante daw na gagawin"
"Ang dali niya lang naman makakuha sa mga lessons, bigyan nalang natin siya ng notes" sabi ni Geo
"Wala tayong free food ngayonn" si Dan
'Abnormal'
Hindi na kami nakapag usap kasi dumating na yung teacher namin, nag take down notes nalang kami para may mabigay kami kay Ash. Bihira lang naman kasi yun magaabsent, siya naman palagi ang nagsusulat sa mga notes tapos kokopya lang kami kapag malapit na ang exam. Ang dali lang kasi intindihin kapag notes niya.
Nung recess na ay nagkita kita nalang kami lahat sa canteen, as usual palaging una sila Asha dumating doon.
"Saan si Ash?"
Napatingin si Dan sakin, pati ako na bigla! Bihira lang naman kasi ito!
"Bat hanap mo yun?" tanong ni Harley kay Asha
"Bawal ba?"
"Sis, bihira lang ka naman kase mag ask about daddy Ash nu!" si Joshua
"Kayo naman, nagtatanong lang naman siya" si Hershel
"Busy, important business daw" sagot ni Geo sa tanong ni Asha
Tumango lang si Asha at tumayo, bibili na siguro. Bumili na kami ng snacks at nag usap usap lang kami.
"Mabuti nalang at nahanap ka ni Ash nung friday Asha" sabi ni Hershel
"Oo nga, halos naikot na namin yung buong school"
"Wala pa namang pa snacks si Ash"
"Manahimik ka nga Dan, pagkain lang ang nasa utak mo" si Geo
"Well, I was near his car. So nahanap niya talaga ako."
"Hindi na ba masakit yung mga sugat mo?" tanong ko
"Wala na, maliliit lang naman"
'Wew maliliit panga'
"Hindi mo kinuha yung motor ko" biglang sabi ni Asha
Si Harley ang sinabihan niya nun diba?
"E-eh kasi"
BINABASA MO ANG
My Eyes on the Bad Girl
RomanceAsh Elizar ang minsan mabait na estudyante sa ISM, ang kilala nang lahat na MVP sa swimming team. Mabait, matalino, mayaman, gwapo, sikat, at talento halos nasa kanya na lahat. May girlfriend siyang si Khristine, maganda at mahal na mahal nila ang...