Ash's POV
Ang tagal naman, siya lang naman ang gusto kong magbantay sakin. Hindi ko na kasi maintindihan yung nararamdaman ko, huhuhu nakalimutan ko na ganito pala kahirap magkasakit. Kasalanan talaga to ni Asha! Hayst, pero okay na din na ako yung nagdala pauwi sa motor niya. Kasi kapag siya yun ay mas lumala yung sakit niya.
=FLASHBACK=
"Una na po kayo" sabi ko kay kuya driver
"Sir alam niya po bang gumamit ng motor? Ako nalang po kaya diyan at kayo dito sa sasakyan"
"Alam ko po! Hehe kayo naman po"
Pero sa totoo lang hindi talaga ako marunong HAHAH! Sabi naman nila madali lang daw kapag alam mo paano mag bike, magaling naman ako mag bike nung bata pa ako! Wala palang helmet, duh bahala na nga madali lang to! Humawak ako at,
"Aray! Naman" para kasing may kuryenteng dumaloy sa kamay ko.
WEIRD, KAGAYA SA AMO NIYA!Nung unang tingin ko sa motor ni Asha akala ko mabigat, hindi naman pala. Ang saya ko nung na on ko! Galing ko talaga, sumunod na ako sa sasakyan pauwi. Pero biglang umagos yung malakas na ulan, kaya binilisan ko nalang at umuna na sakanila. Lintek ang lamig tuloy! Pagkauwi ko sa bahay ay sinalubong naman ako ng mga towel.
"Magpapalit lang po muna ako! Ako lang ang magdadala sakanya sa kwarto" sabi ko kay kuya guard, hindi naman sa wala akong tiwala sakanya. Pero babae si Asha at ayokong may humahawak sa kanyang iba. Ako panaman ang nagdala sakanya dito, kaya ako lang dapat ang magbabantay sakanya.
Pagkatapos kong mag palit ay bumaba ako at pumunta sa sasakyan ko, binuhat ko si Asha at dinala sa kwarto niya. Binalot ko siya agad sa kumot at chineck yung aircon kung tama lang ba. Umupo muna ako don sa upuan, hindi ko nalang napansin na nakatulog na pala ako don. Nakagising ako dahil ba sa lamig or masakit yung ulo ko? Para akong masusuka. Lumapit ako sakanya at hinawakan yung noo niya.
'EH?'
Nalilito ako, kung siya ba yung init o ako? Dali dali nalang akong pumunta sa kwarto ko at binalot yung sarili ko sa kumot, hindi na din ako nag on sa aircon kasi ang lamig na. Pero hindi ako makatulog ng maayos, nagigising ako lagi. Kaya kulang ako sa tulog sa umaga.
=END OF FLASHBACK=
Nahihilo na talaga ako, naasan naba si Khristine. Siguro naman ay pupunta na siya diba? Sure ako naawa yun sakin, minsan lang naman kasi ako magkasakit. I just need to wait a little longer, how about I wait for her outside? Tama! Baka mahiya siya papunta sa kwarto ko kaya hintayin ko nalang sa labas para sabay kami.
Bumangon ako agad kaya parang matutumba tuloy ako, napahawak ako sa desk ko. Bat naman ganito, nanghihina ako na simpleng lagnat lang naman sana. Si Asha nga okay na okay lang, ako parang kailangang mapunta sa ospital. Hindi ko nalang ito pinansin, naglakad ako palabas sa kwarto ko at binuksan yung pinto.
'Maghihintay ako sa labas'
Mahina lang akong nag lakad na nakahawak lang sa wall, nakayuko lang din ako at feeling ko parang
matutumba ako-
...
"Ah pinapunta ako ni Ash" sabi ko sa guard nila
Nandito na ako ngayon sa harap ng bahay nila Ash, nakalabas naman ako agad kanina sa school dahil nandon naman sila Nik. Pinapasok naman nila ako dahil nakilala nila ako nung pumunta ako last time. Nasa kwarto naman siguro siya diba? Saan naman pala pwede magpahinga ang may sakit sa kwarto nga.
'SHT!'
Agad akong napatakbo nung nakita kong si Ash ay natutumba, mabuti nalang at nandun ako.
"Ash" sabi ko nung nasalo ko siya, ang bigat pala neto.
'He's hot as hell!' umiinom ba siya ng gamot?
Binuhat ko nalang siya at binalik sa kwarto niya, chineck ko nalang yung temperature niya at tinawag ang isa sa mga katulong nila.
"Uh, ang taas kasi ng lagnat niya. Mas mabuti if tawagan niyo ang family doctor kasi nahimatay na din to."
"Sige po" sagot naman sakin
Umupo nalang muna ako sa upuan, kawawa naman ang shokoy akala niya pupunta ang jowa. Tss, lablayp pa na hindi naman pala sure. Lumipas ang ilang minuto ay dumating naman yung doktor, binigyan niya ako ng mga kailangang gamot.
"Aish, akala ko ba sila na ang magbibigay sa gamot. Hindi pala ganun ang mga private doctor." tiningnan ko yung oras, malapit na pala lunch.
"Aalis muna ako sir, bibili ako sa mga gamot mo. tss"
Umalis ako sa bahay nila at pumunta sa isang pharmacy, may pera paba ako neto? Sus dapat talagang bayaran ako ni Ash! Hindi na ako nag tagal at bumalik naman agad sa bahay nila. Bahay ba to or mansion?
"Ihahatid nalang po namin ang pagkain sa taas" sabi nung isang katulong, tumango lang ako.
"Im back bobo" mahinang sabi ko pagkapasok ko sa kwarto niya
Umupo nalang muna ako at nag hintay sa pagkain namin, gigisingin ko na ba siya? Or mamaya nalang? Gigisingin ko na sana siya pero dumating yung pagkain namin kaya tinulungan ko muna yung nag hatid.
"Ako na bahala mag lagay neto" sabi ko
"Sige po, uh tsaka nga po pala"
"Hm?"
"Si sir po ay,"
"Si Ash? Bakit?" tanong ko
Mukhang nagdadalawang isip pa siyang magsabi sakin, ano ba kasi? Si Ash may lagnat at aalagaan ko? O ako ba jowa neto?
"Hindi ko jowa si Ash" agad na sabi ko
"Ay! hindi po yun"
Kaya mukha tuloy akong tanga na naghihintay sa sagot niya, biglang gumalaw si Ash at mukhang nataranta pa tong nasa harap ko.
"Nakakatakot po gisingin yan, sige alis na po ako baka magising bigla" at dali dali na siyang lumabas sa kwarto
'Huh?'
Tapos? Anong pake ko? Tss uunahan ko pa to sa takot bago niya ako matakot.
BINABASA MO ANG
My Eyes on the Bad Girl
RomanceAsh Elizar ang minsan mabait na estudyante sa ISM, ang kilala nang lahat na MVP sa swimming team. Mabait, matalino, mayaman, gwapo, sikat, at talento halos nasa kanya na lahat. May girlfriend siyang si Khristine, maganda at mahal na mahal nila ang...