CHAPTER 26

47 4 0
                                    

Asha's POV



Nakakatuwa tingnan si Ash kanina, kitang kita kasi kung paano siya nainis sa biro ko. Kung gaano kalaki ang inis niya sakin ay susuklian ko nalang nang mga biro sakanya, trip ko lang. Ewan ko din bakit galit na galit siya sakin, ay bahala siya sa buhay niya wala akong pake.



Last subject na namin ngayon at ang dali dali lang nang mga lesson namin, hindi naman sa matalino talaga ako na alam ko na lahat lahat. Nag a-advance reading lang talaga ako para prepared ako sa lahat nang subjects, lalo na ngayon na ako ang paborito nang mga teachers na asarin. Hindi ko alam bakit galit sila sakin lahat, wala naman akong ginawa ah?



"Quiz next week" sabi nung teacher namin, agad namang umangal ang mga kaklase ko



"Ano bayan sir!"



"Hanggang 5 lang po sir!"



"Wag na sir!"



"Sir wag na lab mo naman kami eh"



"50 items lang! Except for Asha 200 items sayo!" Sigaw nang sir namin "goodbye class"



Like what I expected, iba talaga yung saken spesyal eh nu. I-make sure ko nalang na makakapasar ako neto. Tumayo na ang mga kaklase ko para mag goodbye kay sir, ako? Well naka upo lang. Sino pa bang gustong tumayo na yung last time na nag greet ako ay pinag tri-tripan lang ako. Kaya ngayon hindi na.



"Oi ter, grabe naman yung mga teachers natin ang laki nang galet sayo!" Nag-aalalang sabi ni Joshua



"Oo nga! Ang unfair naman nun" si Hershel at sumimangot



"Hayaan mo na sila guys, wala naman tayong magagawa" sabi ni Harley



Eto din yung nakakainis sa ginagawa nila, pati yung mga kaibigan ko nahihirapan din kasi na-aawa sila sakin. Totoo din naman yung sinabi ni Harley wala akong magagawa, ano mag report ako? Tapos yung mga teacher pa blind din naman kaya wag nalang sayang oras ko.



"Tara na" sabi ko at kinuha yung bag ko.



Dumaan kami sa room nang mga shokoy kasi mas malapit ang stairs. Pagkadaan namin dun ay nandun yung feeling prinsesa nila at naghihintay sa labas na parang aso.

My Eyes on the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon