CHAPTER 71

18 3 2
                                    

Asha's POV

"Huy, gising na" sabi ko

Wala pa din, ilang tawag na ang ginawa ko. Mahimbing ata ang tulog nito. Kaya mas lumapit pa ako ng konti at hinawakan siya sa balikat.

"Ash"

"Gising na oi"

Tiningnan ko ang oras at napag isipan na mamayang 1:30 ko nalang siya gisingin, 1:14 na at para mas mahaba na din ang tulog niya. Habang naghihintay ay nag open nalang ako ng mga apps sa phone ko na matagal ko nang di na o-open. Na tripan kung kunan siya ng litrato, hindi naman masyadon nahahalata na siya kasi naka balot siya sa kumot. Nagbasa lang din ako ng mga kaunting message sa gc, hindi naman ako interesado sa mga chismis nila kung ano ano nalang ang pinag uusapan.

Napansin ko ang oras na 1:28 na kaya ginigising ko nanaman si Ash.

"Ash'

"Huy"

"Gising na"

Ang hirap naman pala netong gisingin! Tulog mantika amp!

"Ash" sabi ko habang hinahawak ko sa balikat at ginising

"Huy kanina pa ako dito baka mag balak kana"

"Mmh" rekalamo neto

"Huyyy seryosoo kanina pa kita ginigising"

"As-" nabigla nalang ako dahil bigla niya akong hinila!

Nakatalikod siya sakin kaya nung pag hila niya sakin ay napadpad ako dito sa taas niya! Mas lalo akong nabigla nung yakapin niya ako! ANGGG INIIIT!

"Mhm, pumunta ka" sabi niya with his sleepy voice

ANO BA TT__TT BAT NANDITO AKO SA GANITONG POSISYON! BAT GANITO SI ASH!

"Ash pakawalan mo ako" ayoko naman tong saktan kasi may sakit na nga sasaktan ko pa? Pero bakit naman ganito lalaki to ohh babae lang din naman ako

"Hm?"


"It's me, Asha"

Nakapikit siya kaya agad siyang dumilat ng marinig ang pangalan ko at pinakawalan ako.

"SHT! Sorry, diko alam"

"Okay lang"

"Sorry talaga Asha!"

"Kumain kana"

Umupo siya at tumingin sa sofa niya

"Bat ikaw ang nandito?"

"Ayaw kasi ng jowa mo, tapos inalagaan mo din ako nung last kaya payback ko lang to"

"Ay ganun ba"

"Kain ka na, anong oras na oh" Nauna na ako sa sofa niya at linapit ang mesa sa sofa, hinanda ko na din ang ulam at kanin.

"Ang hina mo kasi ang taas ng lagnat mo kumain kana para makainom ka gamot"

Umupo siya sa single sofa at sinimulan ang pagkain

"Ikaw? Di ka kakain?"

"Mamaya na pagkatapos mo" sagot ko

"Bakit naman"

"Wala lang" daming tanong

"Kumain kana late na oh"

Kumain nalang ako kasi iniisip ko baka magkasakit nanaman ako neto, bago pa naman ako gumaling. Nakatingin ako kay Ash habang kumakain ang napansing giniginaw ito.

"Hinaan ko aircon?"

"Uh- pwede ba? Nandoon lang yung remote sa gilid ng pintuan" nahihiyang sabi niya

Tumayo ako at hininaan ang aircon pero di ko naisip na sobrang init pala dito, sabaw kasi yung ulam kaya ito pumapatak na ang pawis ko.

"Mainit? Ibalik mo na lang mag ja-jacket nalang ako"

Pumayag nalang din ako kasi parang naliligo na ako dito, ayoko din namang mag amoy pawis, pero napagisipan ko nalang din na mag bihis mamaya. Tumayo ako at pinalakasan ang aircon, nagtanong naman ako kay Ash kung saan nakalagay ang jacket niya.

'Ang dami naman'

Pagbukas ko sa cabinet ang daming jacket! Tapos ang gaganda pa, pwede ba humingi isaaa?! Kinuha ko na lang yung mukhang komportable at binigay sa kanya. Nung nasuot na niya ay napatingin ako sa logo na motor, tama may itatanong pala ako.

"Ash"

"Hm?"

"May tanong ako"

"Tungkol saan?"

"Ano kasi yung motor ko"

"Bakit? May gasgas ba? Ipapaayos ko nalang"

"Hindi, wala naman"

"Ano?"

Sana ikaw yung hinahanap ko.

"Yung motor ko kasi is hindi siya basta basta nagagamit ng iba, si Harley nga hindi makagamit"


"Bakit?"

"Ano yung pag hawak mo sa manibela? Tapos pag on mo sa engine may nangyari ba?" sana tama tong ginagawa ko or sira lang ba motor ko?

"Hmmmm ay oo! Parang may kuryente na dumaloy sa kamay ko"

Naalala ko din yung unang beses ko ginamit ang motor ko, ganun din. Ikaw na ba talaga to? Ang tagal kong naghahanap sayo.

...

"Uuwi na ako" sabi ko kay Ash

"Sige, ingat ka ah"

"Hm" tumango lang ako

Dumiretso ako sa trabaho, baka akala niyong nakalimutan kong may trabaho ako. Pagkarating ko doon ay sobrang daming tao sa bar kaya nag suot ako agad sa uniform at nag serve. Hindi naman ako masyadong pagod dahil nakatulog naman ako don.

"Hi sir ano po order niyo?"

"Isang case ng beer at isang halik mo please"

Tumango lang ako at sa pagtalikod ko ay nasira ang mukha ko, ang manyak. Kinuha ko nalang ang order nila at sinerve. Aalis na sana ako pero nagsalita ito.

"Yung halik ko?" sabi niya, nakikita kong estudyante lang ito kagaya sakin.

Hindi ko nalang ito pinansin at nag serve nalang sa ibang customers, pagkatapos ng shift ko ay uwing uwi na ako. Nagpaalam nalang ako at lumabas, pumunta ako agad sa motor ko may mga lalaking naglalakad papunta sakin. Yung lalaki kanina.

"Yung halik ko baby girl" sayang may itsura sana bastos lang.

"May ka pa bukas" sagot ko

"Pwede namang umabsent"

"Lasing kana"

Sumenyas siya sa mga kasama niya at lumapit ito sakin, napabuntong hininga nalang ako. Bat ganito sila naawa tuloy ako sa mga babaeng nakakaranas nito tapos mga walang laban.

"Sumama kana samin para hindi kana masaktan"

"Sino ka para utusan ako?"

"Dalhin niyo yan sa condo" utos niya

Nabigla nalang ako na hinahawakan na ng dalawang lalaki ang braso ko, kaya agad ko naman itong binabawi pero mahigpit na ang paghawak nila sakin kaya mas nasasaktan na ako.

"Pakawalan niyo ako!"

"Utos ni boss, kung sumama ka nalang kanina di ka masasaktan"

Pero pinipilit ko pa din na makawala ako, babae lang din naman ako at iba ang lakas sa mga lalaki. Hindi din ako masyadong makagalaw dahil naka uniform pa ako sa baba kaya hindi ako makasipa.

Hahanap nalang ako ng tsempo, dapat makawala ako dito. Nakakabwisit naman tong mga ganitong lalaki! Sarap patayin!

My Eyes on the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon