Ash's POV
Pumasok na kami sa bahay at pinaupo ko si Asha sa Sofa, grabe naman tong babae na to. Kasi kahit ako masasabi ko na mas masakit ang nararamdaman niya keysa sakin. Pero mukhang wala lang sakanya, babae ba to?
"Wait may kukunin lang ako" sabi ko sakanya
Umalis muna ako don at kumuha ng first aid kit, nung pabalik na ako ay si Asha naman ay tumitingin kung kahit saan. Hahaha ang kyut naman. Umupo ako sa sofa na nasa harap niya at binuksan yung kit.
"Sigurado ka bang ayaw mong magpa check sa ospital?" tanong ko
Pero seryoso lang siyang nakatingin sakin, oo na nga hindi nga. Nakaktakot naman kasi ang titig ng babaeng to. Kinuha ko nalang yung mga gagamitin ko at inilagay sa mesa.
"Ako na" sabi niya
Pero hindi ako nakinig, kinuha ko yung cotton at nilagyan ng alchohol. Tumayo ako at tumabi sakanya, lintek ang sama ng tingin!
"Narinig mo ba yung sinabi ko?"
"Oo" matapang na sabi ko pero natatakot na ako hehe
"Tapos? Anong ginagawa mo dito sa tabi ko?"
"Kitang injured ka na nga eh!"
"Kaya ko naman, ang dali dali lang neto"
Napabuntong hininga tuloy ako
"Ikaw nalang palagi, wala akong ginagawa para sayo." seryosong sabi ko
Hindi siya sumagot at parang nabigla pa sa sinabi ko.
I held up her chin and started cleaning her wounds.
"Kahit eto lang ang magawa ko para sayo, ang laki na ng itinulong mo sakin"
...
"Thank you ate" sabi ko sa isang katulong namin na nagsabi na naghanda ng pagkain namin
Kakatapos ko lang gamutin yung mga sugat ni Asha, tsaka mukhang hindi naman major injury yung sa paa niya. Namamaga lang siguro, mabuti naman at hindi nabali.
"Gutom kana ba?" tanong ko
"Medyo" mahinang sabi niya, ngumiti naman ako.
'Maruno ka palang mahiya ah?'
"Tara" sabi ko at inilahad ang kamay ko sa harap niya, kunot noong tumingin siya sa kamay ko tapos tumingin sakin.
BINABASA MO ANG
My Eyes on the Bad Girl
Storie d'amoreAsh Elizar ang minsan mabait na estudyante sa ISM, ang kilala nang lahat na MVP sa swimming team. Mabait, matalino, mayaman, gwapo, sikat, at talento halos nasa kanya na lahat. May girlfriend siyang si Khristine, maganda at mahal na mahal nila ang...