CHAPTER 58

61 4 0
                                    

Asha's POV



'Hindi naman pala kayang sumaksak'



Tinanggal ko yung patalim sa kamay niya, tiningnan ko siya at tuamlikod. Naglakad na ako paalis, mga limang lakad ko palang ay nag salita siya.



"Sigurado ka bang hindi yan masama ang pinoprotektahan mo?"



Napatingin ako.



"Baka maling tao ang pinoprotektahan mo?"




Harley's POV


I knew it! May tinatago nanaman ang Asha! Kakauwi ko lang dito sa bahay, hinatid kaming lahat ni Asha kahit na mukhang nagmamadali siya. Alam ko namang may pinupuntahan siya palagi, pero saan naman? Ang sabi niya sakin ay pinapapunta daw siya lagi sa Tita niya. Ano naman kayang ginagawa niya dun? Akala ko hindi niya gusto pumunta don dahil kay Tito Anderson?



'Typical Asha'



Naligo na ako at bumaba para kumain. Bumalik naman ako agad sa kwarto ko, kailangan ko pang mag aral. Malapit na yung exam namin kaya din siguro nagmadaling umuwi si Asha, ilang oras nanaman yun mag aaral. Kailangan kasi namin ng malaking grades, kasi kapag bumagsak kami matatangal kami sa varsity.



Hindi naman masyado marami yung kailangan kong aralin, may mga kailangan lang akong i memorize. Palagi naman akong nag aaral tuwing gabi, kaya hindi na masyadong mahirap to, tamad naman talaga akong mag aral. Natunan ko lang dahil kay Asha, ang laki talaga ng tulong niya sakin. Iniba niya yung buhay ko, kahit minsan ang bad influence nang gaga.



Nag aral ako hanggang 11 pm.



'Time to sleep!'



Kinabukasan ay ang aga kong nagising, kahit na ang tagal kong natulog kagabi.



Swerte ko naman!



Pagkarating ko sa school ay nakita ko yung motor ni Asha, ang aga naman. Nag park ako sa tabi niya at nag lakad papunta sa building namin. Mabuti nalang at wala na yung mga bumully kay Asah, akala ko kasi lalaki pa yung gulo. Laking pasalamat ko na natigil na, finally!



Walang away!


My Eyes on the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon