Harley's POV
Nakauwi na ako sa bahay, hinatid talaga kami ni Asha. Buti nalang at nasa kwarto na sila mommy. Pumunta na ako sa kwarto ko, naligo at nag bihis. Humiga na ako sa kama ko pagkatapos, kailangan ko na talagang matulog kasi may laro pa ako bukas. Pero iniisip ko kasi ang ginawa ko kanina, siguro dapat tinawagan ko nalang si Asha... Napahamak tuloy ako, magagalit nanaman yun sakin bukas....
Kahit na maruno akong dumepensa ay hindi ko pa rin kaya lalo na't lalaki yung kalaban, tinuruan din ako ni Asha nang mga ibang paraan. Kahit na tkd player ako, hindi mo pa rin pala alam ang gagawin pag nasa mismong away kana. Nakakatakot kanina, hindi ko rin alam kung bakit ginawa yun ni Asha. Alam kong may magagawa siyang hindi mo inaasahan pero hindi ko naman alam na ganun talaga.
>Kinabukasan<
Maaga akong gumising para maaga akong makaalis, hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko kila mommy pag nakita nila tong pasa sa mukha ko. Naligo na ako at nagbihis, dala ko na din yung mga kailangan kong dalhin. Agad na akong bumaba at nagluto. SUPER bilis akong kumain at umalis!
WHEW!
Pagkarating ko dito sa parking nang sports complex ay tinawagan ko muna si Asha. Kahit kinakabahan ako na makipag usap sakanya baka sigawan ako nun to the highest level.
~Ring~Ring~
"Wer na u?" tanong ko
"Nasa kalsada papunta diyan"
"Hoy gaga ba't mo sinagot"
"Tch"
~Toot~Toot
Wala talagang pake ang babaeng yun! May balak ba siyang magpakamatay?! Kasi ako nalang ang gagawa! Letche! Hinintay ko nalang siya, ilang minuto ay nagrinig ko na ang motor sa isang Asha Zein. Ang galing niyang mag dala sa motor niya, parang nag iisa lang nga yung utak nila. Nag park si Asha sa tabi ko, hinubad niya yung helmet niya.
Grabe ang ganda talaga ni Asha yung buhok niya blonde ay nababagay talaga sakanya, para ngang natural kung hindi ko lang alam na pina kulay niya lang pala yan ay masasabi kong natural talaga. Maganda naman talaga si Asha hindi lang napapansin nang iba kasi sa suot sila tumitingin agad. Akalain mo na ngang tomboy, pero hindi boyish lang talaga siya manuot at kumilos. Tingnan mo nga ang suot niya ngayon, naka tsinelas lang, shorts na panglalaki, then white dri-fit shirt.
BINABASA MO ANG
My Eyes on the Bad Girl
RomanceAsh Elizar ang minsan mabait na estudyante sa ISM, ang kilala nang lahat na MVP sa swimming team. Mabait, matalino, mayaman, gwapo, sikat, at talento halos nasa kanya na lahat. May girlfriend siyang si Khristine, maganda at mahal na mahal nila ang...