CHAPTER 4

121 8 0
                                    

Asha Jaye's POV


Shet first day palang nakakapagod na sa pag akyat baba sa building. Buti nalang hindi ako tamad, bonus na ang pagiging morning person ko para ako hindi mababaliw kakatakbo kapag late ako hahayst.



"Asha punta kana gym?" Si harley



May training kasi kami every monday, wednesday, friday at saturday. Nakakapagod man pero enjoy love ang sport eh.



"Hm oo wala naman akong ibang gagawin, sabay na tayo" sabi ko habang lumalabas kami nang room



Pagkarating namin sa baba ay pumunta muna kami sa quadrangle since hindi pa pwede lumabas. 4:00 pa kasi den 4:30 pa pwede lumabas sa gate. Naupo kami ni Harley sa mga upuan sa gilid nang quadrangle at nag hintay.



"Matutulog muna ako" sabi ko



"Sige gigisingin lang kita if 4:30 na"



Ginawa kong unan ang aking mga braso. Magpapahinga muna ako saglit, kung pwede nga magpahinga nalang ako habang buhay.




Harley Winster's POV


OMG! hellooowwww itsss meeee Harleyyy♡



Last subject na yeyyyy!!! Tiningnan ko si Asha. Halatang bored na bored ang peg, ayaw na ayaw niya talaga ang magpakilala kahit ano na ang itawag niyo sa kanya wala talaga siyang pake.



Ayaw niya kasi nang maraming kaibigan, hindi niya nagustuhan ang ginawa sa dati at LAST niyang barkada. "Asha punta kana gym?" Tanong ko, alam ko namang training ang kanyang excited gawin palagi.



She always looks forward at the activity she does at the end of the day, its her only hapiness left.



"Hm oo wala naman akong ibang gagawin, sabay na tayo" sagot niya. Diba? Tama ako training is layp tong babaeng to



-Quadrangle-


Tiningnan ko ang babaeng nasa aking harapan. Momshies tulog na tulog, habang natutulog si Ash ay napaisip ako sa buhay niya. Kawawa naman si Asha namin sana wala nang mangyayari sa school na to. Sana normal hindi abnormal ang mga utak nang mga estudyante dito.



Hindi sa kalayuan nakita ko ang magbabarkada na sina Geo, naupo sila sa table na hindi naman masyado malayo samin. Wala si Ash at yung si Khristine tch landi pa more.



Since tapos na ang klase pwede na kami mag cellphone, naglaro muna ako nang paborito naming laro ni Asha pampalipas oras.



Ilang minuto din akong naglaro, tiningnan ko ang oras 4:25 na okey tama na ang paglalaro Harleyy. Tinago ko muna ang cellphone ko at ginising na si Asha "Ash gising na" hinawakan ko ang kanyang braso at kinirot hahahaha

My Eyes on the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon