CHAPTER 6

81 7 0
                                    

Asha Jaye's POV

Dahil 2nd day na nagsimula nang mag lesson ang mga teachers. Ngayon ko lang nalaman na may subject pala kaming language, amp talaga. Tapos sa grade 10 ay Korean, wew okay mabuti nalang at may alam ako konti.



"Annyeonghaseyo joh-eun achim sueob"

(hello good morning class)



"Good morning sir" sagot nang mga kaklase ko kasi hindi alam kung ano isasagot sa korean. tsk.



Madali lang naman ang lesson ngayon kasi basics pa ang itinuro, kahit alam ko na lahat ay nag sulat parin ako para may laman naman tong notebook ko. Napansin ko din na ang seryoso nang sir namin pag may magtatanong pero kapag maganda parang manliligaw gagu?



"Hoy transferee" sabay turo sakin ni sir



Nagtaas ako nang tingin at tinitigan siya. Kumunot ang kanyang noo at tiningnan ako nang masama. Nag angat ako nang kilay para itanong kung ano ang kanyang kailangan. Namumula na siya sa inis.



Mga kamatis pala tao dito eh



"Para kang sino ah, sino ka ha para mag taas taas nang kilay sakin?" Inis niyang sabi na namumula na



"ako?" Tinuro ko ang aking sarili "ako lang naman ang estudyante mo na nag babayad sayo" sabay turo sa kanya.



Nagbubulungan na ang ibang estudyante at nagulat naman si sir sa aking sinabi. Akala niya guro na matatakot ako sa kanya. 

Tch asa sir tanga

"Lakas nang loob mo ah!" Natatawa pa niyang sabi "Ganyan ka lang kasi hindi mo pa ako kilala, pero kapag bigayan na nang card luluhod ka talaga sakin" nagtawanan naman ang lahat maliban sa mga kaibigan ko.



"Bat naman ako luluhod sayo?" Malumay na sabi ko "sino ka?" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa "Dios 'ka' ba?" At ngumisi ako nang biro.



Sasagot na sana siya pero tumunog na ang bell, sign na lunch time na.



•Ding•Dong•Ding•Dong•



"Annyeong sueob" sabi ko habang kinukuha ang gamit ko, nag bow ako kay sir at lumabas.



Ano akala mo ikaw lang ang marunong mag Korean? Hahaha amp



Naglakad na ako pababa at nag takbohan naman ang aking mga kaibigan para mahabol ako.



"Myghad terr akala ko sa mga bully ka lang brave" namanghang pagkasabi ni Joshua



"Oo nga Ash grabe na bilib na talaga ako sayo, pero natatakot ako para sayo" si Hershel



"Bakit naman?" Tanong ni Harley



"Eh kasi ter baka i bagsak to the ground na ang grades mo"



"Hindi niya ako mababagsak, bakit naman ako babagsak? Nag quiz naba siya? Nag exam na ba?"



"Oo nga naman" si Harley



Pagkarating namin sa canteen ay nakita namin si Geo sa table nila na kinakaway ang kanyang kamay para makuha ang atensiyon namin. Naglakad kami papunta doon at tiningnan naman ako nang masama nang mga estudyante.



"Hey AJ and her friends" salubong ni Nik sa amin



Pinakilala ko si Hershel at Joshua sa kanila, tuwang tuwa naman ang dalawa. Umupo na kami at katabi ko si Geo sa kabila ay si Harley, Hershel tapos si Joshua. Sa harap namin ay si Dan, Nik, tapos si Ash. Kaharap ko si Ash at mukhang hindi niya gusto na nandito ako.



My Eyes on the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon