Asha's POV
-> Sunday <-
7 am at kakagising ko lang, 6 hours lang yung tulog ko nang dahil sa party na yun. Naligo na ako at bumaba na kami ni Cooper. Nilagyan ko yung bowl niya nang pagakin at ako naman uminom nang tubig, nag timpla lang ako nang energen kasi usually yun lang ang bine breakfast ko. Pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto ko, patakbong kumembot naman si Cooper pabalik sa kwarto. Umupo ako sa study table ko at nag basa nang libro, hindi ako nakapag basa kahapon kaya nagyon ko gagawin lahat.
Habang nagaaral ay biglang tumunog yung phone ko, for sure si Harley naman to. Tiningnan ko yung phone ko at tama nga ako, si Harley lang naman yung palaging nag tetext sakin.
Harley: Dinner daw mamaya! Pagkatapos nang training!
'Galit ba to saken?'
Sasali kasi kami ni Harley ngayon sa training dahil hindi kami nakapag training kahapon, minsan lang kami mag Sunday training kasi yun ang ginawa naming rest day.
"Water break" sabi ko pagkatapos nang drill
"Kamsahamnida!"
Naglakad ako papunta sa locker ko para kunin yung water bottle ko, si Harley ay parang tanga nakasimangot parin hanggang ngayon. Kanina pa to, pagkarating ko sa gym ay hindi na ako pinapansin.
"Anyare sayo?" tanong ko at lumapit sakanya na naka upo.
"Anong anyare?! Ano akala mo, nakalimutan ko na yung ginawa mo sa sayaw mo!"
"Aish amp neto... dahil lang dun? magtatampo kana sakin?"
"Hindi ka nagsabi na babaguhin mo!"
"Sorry na..."
"Wag mo nang ulitin ah"
"Oo na"
"Nag sabi pa ako kila Nik na surprise eh ako din naman pala na surprise" bulong niya
Napangiti nalang ako
'Hay, Harley talaga'
Pagkatapos nang training ay nagbihis lang kami ni Harley, naka pambabae siyang shorts siya tapos ako ay naka shorts din. Pero hindi yung maikli na shorts nu! EW! Sumakay na kami sa aming mga motor at pumunta sa isang mamahaling restaurant. Pagpasok namin sa loob ay agad naman naming nakita yung family ni Harley, ngumiti ako nang konti nung nakita nila kami.
"Asha my dear, ang tagal nating hindi nag kita" sabi sa Lola ni Harley
"Oo nga po, na miss ko kayo"
Umupo na ako sa tabi ni Harley, nag order muna kami at nag kwentuhan.
"So kamusta kayo sa school niyo?" tanong ni Lolo
"Okay naman po kami Lo" si Harley
"Okay lang po,hindi pa bagsak" sabi ko
"Wala bang bullies?"
Napatingin si Harley sakin at agad ko naman siyang sinipa sa paa, gaga ang halata niya.
"Wala naman, mababait naman ang mga students dun"
"Sabihihan mo kami agad kapag meron ha?"
BINABASA MO ANG
My Eyes on the Bad Girl
RomanceAsh Elizar ang minsan mabait na estudyante sa ISM, ang kilala nang lahat na MVP sa swimming team. Mabait, matalino, mayaman, gwapo, sikat, at talento halos nasa kanya na lahat. May girlfriend siyang si Khristine, maganda at mahal na mahal nila ang...