Asha's POV
"Ayoko"
"Sige na"
"Ayoko nga"
Kanina pa kami nakatayo ni Ash dito sa parking lot, pinipilit niya kasi akong pasakayin sa sasakyan niya.
"Sige na Asha, ako okay na ako nakapunta na ako sa clinic"
"Okay lang naman din ako" sagot ko
"Anong okay?! Muntik ka na ngang matumba kanina" inis niyang sabi
"Wala naman diba?"
"Oo dahil nasalo kita"
Muntik na talaga yung kanina, mabuti nalang talaga at dumating siya. Kailangan ko pa bang mag thank you? Kasi kapag hindi siya dumating ay for sure nadagdagan yung sugat ko. Hindi ko tuloy napansin na nakatulala pala akong iniisip yun na nakatingin sakanya....
NAKATINGIN SAKANYA!!!
"Hey"
"Uh huh?" sagot ko
"You okay?"
"Yea-"
'Amp ang sakit'
Napaiwas tuloy ako ng tingin, pilit kong tinago. Kahit na alam kong ang halata na. Nabigla nalang ako ng bigla niyang binuksan ang pintuan sa sasakyan niya.
"Sakay" seryoso niyang sabi sakin
"Huh?"
"Sakay.""
"Ba't naman ako sasak-"
"Sasakay ka o ako ang magpapaupo sayo jan."
Si Ash Reigo naging seryoso sa harap ko?! Natahimik na tuloy ako at sumakay, ang sama kasi ng tingin sakin. Hindi ko naman to inaano ah, teka nga! bakit ako takot sa lalaki nato? At sumunod agad agad? Sinirado niya ang pinto at sumakay sa drivers seat, tahimik lang akong nakaupo.
"Bakit ka ba umalis kanina?"
'Kanina?'
"Sa clinic"
"Aww, trip ko lang?"
BINABASA MO ANG
My Eyes on the Bad Girl
RomanceAsh Elizar ang minsan mabait na estudyante sa ISM, ang kilala nang lahat na MVP sa swimming team. Mabait, matalino, mayaman, gwapo, sikat, at talento halos nasa kanya na lahat. May girlfriend siyang si Khristine, maganda at mahal na mahal nila ang...