CHAPTER 40

54 2 1
                                    

Asha's POV



Hindi ako pina lead ni coach, pina upo niya lang ako sa upuan at eto ako ngayon tinitingnan silang lahat napapagod. Nakabihis na ako kanina pa, mag sisimula na sana pero dumating si coach at nakita yung sugat ko.



"Tatayo lang naman ako" inis na bulong ko



Nakaupo lang ako hanggang sa matapos ang 1st drill, si Harley ang pina lead ko ngayon. Ang iba ay natuwa pa nga na hindi ako yung nag lead ngayon. Kasi ang harsh ko daw! Ginagawa ko lang naman ang lahat para mag improve sila. Nilapitan ako nang mga kasama ko, for sure mag tatanong to.



"Anong nangyari?" tanong agad ni Phil



"May kaaway ka?"



"Ang brave naman nang umaway sayo"



"Wala lang to, accident" tipid kong sagot



"Basta isumbong mo lang yan, wag kang-" naputol ang sinabi ni Phil kasi biglang nag salita si coach



"Wag na wag mong patulan Asha. Alam mo ang rules natin" seryosong sabi ni coach



'Hindi lang naman tkd ang alam ko'



"Alam ko coach"



"Seryoso ako Asha, kapag may makarating sakin na may sinaktan ka. Alam mo ang mangyayari."



*Sigh* nakita kong nagaalala naman si Harley sakin.



"Hindi na mangyayari yun coach..." sagot ko



Wala akong choice, kung may malalaman si coach ay mawawalan ako nang grupo at sigurado akong wala nang tatanggap sakin. Laking pasalamat ko pa nga kay coach kasi tinaggap niya pa ako. Sa dati ko kasing gym ay ganito yung nangyari, nakarating kay coach na may sinaktan ako. Na sa totoo naman ay hindi ako yung nauna, pero tinaggal niya pa rin ako. Nakarating sa ibang gym, nahirpan akong maghanap at makapasok. Ang daming sinabi sakin na kahit anong galing ko ay hindi nila ako tatanggapin dahil sa ginawa kong pananakit.



Kung alam lang nila sana ang buong kwento...

My Eyes on the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon