Asha's POV
'Bloody'
This month is shit! Hindi pa nga natatapos ang buwan na to punong puno na ako nang sugat! Sa school may kaaway, dalawang grupo pa! Tapos may kaaway pa yung Ash na yun na ako ang humaharap. Buti nalang at hindi malaki yung mga sugat ko, tapos ang mga pasa ko ay nasa braso ko lang at binti.
'Aish'
Dapat alamin ko kung ano yung kasalanan niya! Teka nga, alam ba niyang sinusundan siya? Na hindi siya tinitigilan nang kaaway niya?Aish mukhang ang ayos ng buhay niya ah?
Walang problema amp.
"Asha" tawag sakin ni Harley, nandito kami ngayon sa canteen.
"Hm?"
"Natulog ka ba?"
"Ha?"
"Tingnan mo nga yang sarili mo"
'Paktay'
"Hindi naman ako pagod ah?"
"Halatang halata sizst" si Joshua
"Oo nga Asha, ano bang ginawa mo?" si Hershel
"Wala naman"
"Napansin ko din na ilang araw kang puyat" si Harley!
"Ha? Hindi naman ah"
Sa totoo lang hindi na talaga ako nakakakuha ng sapat na tulog, late na akong makauwi sa bahay. Buti nalang at naniwala si Ate sa mga excuse ko. Pagkauwi ko ay hindi pa ako natutulog, may ginagawa pa akong mga school works, tapos nag aaral pa rin ako. Marami akong ginagawa kaya hindi ako makapagpahinga agad.
"May ginagawa ka ba?" si Harley
'She must not know'
BINABASA MO ANG
My Eyes on the Bad Girl
RomanceAsh Elizar ang minsan mabait na estudyante sa ISM, ang kilala nang lahat na MVP sa swimming team. Mabait, matalino, mayaman, gwapo, sikat, at talento halos nasa kanya na lahat. May girlfriend siyang si Khristine, maganda at mahal na mahal nila ang...