Ash's POV
Napatigil ako nung lumapit sakin si Asha, ang lapit niya sakin. She held my chin up at tiningnan yung sugat ko, grabe kahit halos maligo na siya ng pawis at dugo inuuna niya parin ang iba. Hindi ba masakit ang mga sugat niya? Ang dami niya kasing pasa tapos yung mga sugat niya ay dumudugo. Napansin ko din kanina yung paa niya, ano ba kasi ang nangyari? Okay panaman yung paa niya kanina.
"Tara na, ihahatid muna kita sa clinic"
Hindi ako nakasagot at una na siyang naglakad, nakasunod lang ako sa likod. Napapansin ko talaga ang paglakad niya, ipinapakita niyang walang nangyari sakanyang paa. Kung hindi ko nakita yung kanina ay iisipin ko talaga ngayon na walang nangayri sa paa niya. Why are you like that Asha? Bakit hindi niya inuuna yung sarili niya. Napagisipan kong hindi nalang sumabay sakanya sa paglakad, nanatili ako sa likod niya. Para naman kapag matumba siya ay nasa likod lang ako, at least naman nandito ako para saluin siya.
"Masakit ba paa mo?"
Ikaw dapat ang sasagot niyan
"Huh? Hindi ah"
"Ba't ang bagal mong maglakad?"
"Uhm..."
Lintek! Ano sasabihin ko?! Ang weird naman siguro kapag sasabihin ko ang totoo. Babae kaya to tapos lalaki ako, baka kung ano ang isipin neto. Wala akong gusto sakanya, tapos ang sama ko naman kung ganun. May girlfriend ako tapos may pinopormahan akong iba. Grabe naman ako mag isip, kahit naman hindi ganun ang ginagawa ko.
"Ano?"
'Lintek! Bakit ba ako kinakabahan!'
"Para naman masalo kita kapag matumba ka, mukhang ang sakit kasi ng paa mo... Natatakot din akong tulungan ka-"
"HALAA!"
Napatingin kaming dalawa ni Asha sa sigaw na yun, hindi ko tuloy napansin na nasa harap na pala kami ng entrance. Sanay na ako sa maraming babae na tumitingin sakin, pero hindi ko alam bakit hindi ko nagustuhan sa ngayon. Isang grupo kasi ng babae ang nakatingin samin ngayon, nasa kanila lang din yung sumigaw.
"Ohmy Ash!"
BINABASA MO ANG
My Eyes on the Bad Girl
RomanceAsh Elizar ang minsan mabait na estudyante sa ISM, ang kilala nang lahat na MVP sa swimming team. Mabait, matalino, mayaman, gwapo, sikat, at talento halos nasa kanya na lahat. May girlfriend siyang si Khristine, maganda at mahal na mahal nila ang...