Harley's POV
"Si Asha nga eh! Sinira pa nga niya kanina yung entrance ko!" Asik ni Ash
Agad kumunot yung noo ko sa narinig ko, bakit wala si Asha kanina sa klase? Tapos sasabibin tong Ash nato na nandito si Asha sa loob nang school. Napa hilot ako sa aking sintido.
'Ang gulo gulo nanaman Asha...'
Matapos makipag taluhan yung mga lalaki ay agad kaming pumunta sa parking, siguro umalis yun. Kaya naman ni Asha na pumasok kahit may sakit pero yung ganito na uuwi siya malala siguro. Agad naman kaming nakalabas kasi lakas pala tong sina Nik. Huminto muna kami sa harap nang school para makapag usap nang maayos.Si Joshua at Hershel naman ay nasa sasakyan ni Nik. Ibinaba nila yung mga bintana nang mga sasakyan nila at tumingin sakin.
"Saan nga yung bahay nila Asha? Nakalimutan ko" Tanong ni Nik
"Sa The Woods Village"
"Ay oo tama"
"Bakit doon sila nakatira?" Tanong ni Dan
"Bakit?"
"Ah...Yun kasi yung pinaka mura sa lahat nang village" sabi ni Nik at pahina pahina niyang sabi
"Ano naman? Sa dati naming school hindi naman yan big deal kung saan nakatira ah" pagtatangol ko kay Asha
Grabe naman sila, ano kailangan talaga na mayaman kaming lahat dito sa ISM? Kung naring palang to ni Asha siguro hindi na niya gusto makipag kaibigan sa mga to. Pero dahil gusto ko maging masaya si Asha ay hindi ko nalang sasabihin. Close kami ni Asha pero hindi ko gaano alam ang kanyang buhay, ang daming nangyari kay Asha at hindi ko rin alam pano niya nakaya. Simple lang ang buhay ni Asha sa tingin ko, typical na tao na nangagarap nang mga maraming bagay. Nag-aaral nang mabuti at naging athlete para mabawasan ang tuition fee, nakakabilid din kasi ang dami niyang talento. Yung nag transfer siya sa school namin dati ay binago daw ni Asha ang kanyang sarili, kagaya nang pagpa kulay nang kanyang buhok.
"Pupunta naba tayo agad don?" Tanong ni Hershel
"Bakit? May gusto ka bang puntahan muna?" Si Nik
"Mas maganda if magdala tayo nang mga pagkain at gamot" sagot ni Hershel
Kaya ayun ang ginawa namin, at sa mall pa talaga kami bibili pwede naman diyan sa tabi tabi. At nalaman ko nalang na ang mall na binibilhan namin ay pagmamayari pala nila Hershel . At ano pa bang bago? Syempre ang tagal nanamin namin natapos.
Sa wakas nang natapos na kami ay bumalik na kami sa parking nang mall at inilagay ang mga nabili namin sa sasakyan ni Nik. Inilabas ko yung cellphone ko baka nag reply si Asha pero wala parin.
BINABASA MO ANG
My Eyes on the Bad Girl
RomanceAsh Elizar ang minsan mabait na estudyante sa ISM, ang kilala nang lahat na MVP sa swimming team. Mabait, matalino, mayaman, gwapo, sikat, at talento halos nasa kanya na lahat. May girlfriend siyang si Khristine, maganda at mahal na mahal nila ang...