Ash's POV
"Pati pananakit importante" mahinang sabi ko sakanya
Kitang kita naman na naguguluhan siya sa sinabi ko, ang galing namang mag acting neto. Kaya siguro parati siyang nagmamadaling umalis, may aasikasuhin sigurong hindi maganda. Yan ba ang importante sakanya? Akala niya ba na ang cool pakinggan? Hindi nu! Manakit ng kapwa tao? hindi siya cool pakinggan! Ang laki nga nang galit ko kay Chistopher at yung mga kasama niya, siya pa kaya?
Kailangan kong sabihan sila Nik tungkol sakanya, baka mamaya ay kami ang saktan niya. Wala ba siyang trip sa buhay? Wala kaming ginawa pagkatapos naming lahat mag laro, bukas pa yung awarding. Nag usap lang kami at nag kwentuhan buong araw, nung pumunta na kami sa parking. Ay napansin ko nanaman na nagmamadali si Asha, masamang tao!
Saan kaya siya pumupunta? Siguro kasali siya sa gang tapos may sasaktan sila tuwing gabi? Pwede! Bakit hindi ko agad naisip yun? Doon palang sa nangyari sakin, halatang masamang tao kasi natakot yung mga lalaki. Lalaki na nga yun! Deadly deadly pang nalalaman. Ano kaya niya bang pumatay? Edi wanted na sana siya ngayon. Ayoko talaga sa mga taong kagaya niya!
If magiging kaibigan naman yan, sigurado akong mapapahamak kami. Halatang halata na maraming kaaway, dapat hindi siya ganyan. Isipin niya yung kinabukasan niya, wala siyang mapapala jan. Sayang matalino sana, pero if gang siya? Ginagamit niya yung pagiging taekwondo player niya?! Bawal yun! Pwede siyang ma alis sa varsity! Tapos kapag malaman pa nila Lolo na gang siya ay for sure maalis siya sa school!
Kawawa naman.
Bahala na nga siya sa buhay niya, pero if masali kami sa gulo niya? Sasabihin ko agad kay Lolo ang tungkol sakanya. Para naman ma realize niya na mali yung ginagawa niya! Pagsabihan ko nalang muna siguro? Kawawa naman if hindi siya makapagtapos ng pag aaral.
'Kasalanan naman niya'
Pero tinulungan niya din ako, kung hindi siya dumating sa araw na yun. Ay sigurado akong nasa hospital ako ngayon. Hay sige na nga, kakausapin ko nalang siya para naman makabawi din ako sa pagtulong niya sakin. Nagpaalam na ako kila Nik, tiningnan ko ng mabilisan si Asha.
'Bakit hindi pa ito umaalis?'
Hindi ko nalang pinansin at sumakay sa kotse ko. Nung nasa daan ako ay napag isipan kong bumili nang donuts, since nanalo ako tapos gusto ko lang din bilhan yung kapatid ko. Pumunta ako sa isang mall, medyo malayo din to sa bahay. Hindi naman ako nagmamadali umuwi, eto lang din kasi ang mall na meron sa mga donuts na gusto ko. Pagkarating ko sa mall ay pumunta ako sa donut shop, bumili ako ng dalawang box. Since nandito naman ako ay pumunta ako sa mga store na gusto ko. Hindi naman ako bibili, tumitingin lang kung may bago.
BINABASA MO ANG
My Eyes on the Bad Girl
RomanceAsh Elizar ang minsan mabait na estudyante sa ISM, ang kilala nang lahat na MVP sa swimming team. Mabait, matalino, mayaman, gwapo, sikat, at talento halos nasa kanya na lahat. May girlfriend siyang si Khristine, maganda at mahal na mahal nila ang...