CHAPTER 25

54 4 0
                                    

Ash's POV



Nakaupo lang ako ngayon dito sa classroom namin, naghihintay parin ako na bumalik dito sila Nik.



'Hala ang tagal naman nilang nakabalik?'



Kanina pa ako naghihintay na may pumasok na tatlong lalaking panget, syempre joke lang yun. Gwapo kaya kaming apat pero mas gwapo ako. Kanina kasi ay nag send ako nang picture sa gc namin, sigurado naman ako na nakita nila kasi mga seener eh!



Ewan ko ba kung ba't ginawa ko yun, hahaha trip lang? Pwede lang naman akong mag send nang message na nakita ko yung hinahanap nila, pero nag effort pa talaga ako para maiba hahaha. Hindi ko rin alam kung bakit yun ang isinulat ko, eh sino bang bobo ang mag sulat nang "was here" eh lugar ba yan si Asha? Napaisip tuloy ako sa ginagwa ko, baka akalain ni Asha na bobo ako? Naku! Lintek na!



"Class dismiss"



Natapos nalang yung klase wala paring mga lintek na dumating, at lunch time na. Saan ba sila pumunta at ang tagal nila?! Mukhang kami lang ni Khristine ngayon ang nasa table, which is fine para may quality time kami. Nagligpit na ako nang gamit ko at inagay sa bag, lalabas na sana ako nang may sumigaw sa door!



"ASH REIGOO!" Agad naman akong napatingin sa door at agad tinakpan yung tenga ko



"Hoy ang sakit sa tenga!" Sigaw ko



Agad naman siyang naglakad papunta sakin, at ang sama niyang tumingin sakin! Seryoso siyang tumingin sakin nang nasa harapan ko na siya. Tiningnan niya ako nang masama at agad naman akong nangamba! Ano bang problema neto! Wala naman akong kasalanan ah.



"Saan si Asha?!"



"Grabe Harley! Yun lang pala ang tanong mo? Parang papatayin moko sa tingin mo eh."



"Yan ba ang sagot sa tinatanong ko?"



'Ay, ang seryoso naman neto'



"Aba malay ko ba?"



"Anong malay! May picture kapa ngang sinend eh!"



Ano?! Agad naman akong tumingin kila Nik at umiwas naman sila nang tingin sakin. Grabe kayo mga tol! Sa gc lang yun namin bakit nakita nila Harley?

My Eyes on the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon