CHAPTER 24

54 3 0
                                    

Asha's POV



Pagkarating ko sa parking lot ay agad akong nag hanap nang pwesto, dahil sa traffic ay ang tagal kong nakarating dito sa skuwelahan. Pero okay lang naman dahil easy lang naman ang first subject namin, halos puno na yung parking. Wala akong choice kundi mag park sa part sa hindi gaano makikita, ang layo pa nga. Nag lakad na ako papunta sa building namin nang makita ko yung Ash na parang prinsipe dahil tumigil ang lahat nang para lang makita siyang dumaan, at binibigyan pa talaga siya nang daan ha.



Ngumsi ako at dumaan doon sa mga taong pumunta sa gilid para bigyan siya nang daan, bakit? wala namang nag sabi na bawal dumaan dun ha. Tsaka malapit na akong ma late kaya okay na okay to dahil binibigyan ka nang daan. Nakakatuwa tingnan na unti unting nawawala yung mga ngiti sa mga estudyanteng nalalampasan ko, agad namang nag tiningnan yung iba sakin. Bakit ba? Dumadaan lang naman ako ah. Sa likod nga lang ni Ash Reigo nila.



Agad naman yung napansin ni Ash, tumigil siya sa paglalakad at unti unti siyang lumingon sa likod niya, kumunot agad ang kanyang noo nang makita ako. Nagiging kamatis nanaman, seryoso akong tumingin sakanya habang nagpatuloy parin sa paglalakad. Nang makarating ako sa harap niya ay hirap akong umabot sa kanyang tenga at bumulong.



"Salamat master" at umalis.

Grabe hanggang balikat lang ako, aish sana all swimmer. Ang baduy pala nang master, nung nag kwentuhan kasi sila Harley ay narinig ko na master daw ang tawag sa apat dito. Sa lahat nang magandang pangalan ay master talaga, grabe ang yaks hahahaha.



Umakyat na ako papunta sa room namin, ngunit may napansin akong kakaiba kaya naging alerto agad ako. May naramdaman akong may nag hihintay sakin, agad namang may humila sakin sa kwelyo pero hinayaan ko nalang. Alam ko naman yun pero pinagbigyan ko nalang, ang effort kasi nag hintay pa talaga sakin. Pero nung susuntukin ako nang isa ay agad akong umiwas.



'Ops bawal may sugat ngayon'



Seryoso akong tumingin sakanila, ngumisi ako at tumingin sa baba.



"Anong kailangan niyo sakin?" Tanong ko at nag angat nang tingin.



"Hindi pa kami nakaganti sayo" sabi nang isa



Grabe hindi nga nila ako kaya, gaganti pa? Hayst ang brave niyo naman.



"Wag na... Mahihirapan lang kayo" sabi ko



"Woah ano akala mo? Takot kami sayo? Chamba mo lang yun dati!"


My Eyes on the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon