THIS GUY IS IN LOVE WITH YOU!

20 2 1
                                    

Naisip niyo ba minsan sa laki ng populasyon ng Pilipinas mag kakagusto ka pa e sa may jowa na! Alam mo yon? Nakaka loko lang minsan tong si kupido sa pag pana sa mga tao e. Pag makita ko to babatokan ko.

Hindi ko alam kung kelan nag umpisa, paano nag umpisa. Alam kong sa mata ng madla o matatanda mali ito. Eh sino ba ako? Tao lang naman ako diba? Sabi nga sa kanta ni Loonie 'pasensya na tao lang nagkakamali' diba?

Naka halumbaba ako ngayon sa cafeteria namin, pinapanood ang best friend ko at ang jowa niya na mag landian sa harapan ko.

"Baka nag seselos na si Aiden, teka suboan ko din ng fries." Sabi Dave tsaka akmang isusubo sakin ang fries pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Galit ka nanaman sakin?" Sabi ni Dave tsaka ngumuso. Tumatawa lang naman si Cathalia, Cat for short. Nakaka tawa bang makita na nag susuffer ako?

"May practice ako mamaya para sa women's badminton team." Sabi ni Cat, mukhang hindi namin siya mahahatid ah?

"Awee. Pagod nanaman bebeloves ko." Sabi ni Dave at pinisil pa ang ilong ni Cat. Eyesore. Earsore. Pero kung nakaka sura pala eh bat ako nandito diba?! Nangigil din ako sa sarili ko guys bago kayo mang gigil sakin alam ko na gwapo ako at cute.

Umalis na si Cat, well junior high si Cat... kami ni Dave? Ay wala palang kami. Senior high naman kami.

"Nagawa mo na yung susunod na panel ng project natin?" Tanong niya sakin tsaka lumipat sa tabi ko, mabilis naman akong umatras ng kaonti— kaso inakbayan niya ako.

"Eto naman! Tampo pa din tutulongan naman kita ihh!" Sabi niya sakin.

"Kokopya ka lang eh. May pag akbay ka pang nalalaman." Asar na sabi ko tsaka kinuha ang ipad ko para ipakita sakanya ang design na naisip ko.

"Naks! Ang ganda nito ah." Pag compliment niya tsaka ngumiti sakin. Pero mas maganda ka e... nasabi ko ba sainyo? Kahit na lakad maka lalake ng pangalan na Dave pero ang itsura ni Dave e may pagka feminine, may maliit siyang mukha na gaya sa shape ng mukha ng babae, may matangos ito na ilong, magandang mata na para bang kumikislap pag tumatama sa liwanag, at ang mga labi niya... tangina nakaka bakla talaga minsan tong lalakeng to.

"Hoy! Aiden, may meeting tayo." Si Alein ang tumawag sakin, minsan sapaw to bebe time ko.

"Iwanan na muna kita." Sabi ko kay Dave, ngumuso ito. Oh— jusq... kung magkasala man ako dahil sa mapanuksong nguso ng lalakeng ito. Patawarin sana ako sa itaas.

"Babalikan mo naman ako diba?" Sabi nito sakin.

"Alam mo Dave, tigilan mo ko pre. Baka batukan kita diyan. Gawin mo na yan dahil gagamitin ko ang ipad ko." Sabi ko sakanya tsaka iniwanan siya.

"Nasira ko ba bebe time mo brads?" Tanong ni Alein sakin.

"Huwag kang mag alala Alein, may araw ka din sakin." Sagot ko sakanya, na sinusunog na siya sa titig ko.

Oo alam ni Alein ang sekreto ko, pano niya nalaman? Naamoy daw niya. Walang meeting na naganap nag patulong lang mag linis sa student council room, siya daw naka toka busy daw kasi si Yasmin para sa exam sa physics mamaya.

"Ang dami naman kasing iba diyan sa may jowa ka pa nagka gusto." Sabi ni Alein sakin.

"Mas una naman akong dumating sakanya." Sagot ko.

"Pero huli ka na ng malaman mo nararamadaman mo sakanya." Sagot naman nito na tunog nambabara tinignan ko siya. "Kinakampihan mo ba si Cat? Okay lang naman kung gusto mo siyang maging kaibigan sakanya ka na lang din mag patulong mag linis dito." Sabi ko tsaka binitawan ang feather dusk at unupo sa sofa.

Hi! ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon