Jasper's POV
"Jasper? Lutang ka nanaman! Kanina pa kita kinakausap kung anong magandang tula para sa aking Misis." Sabi ng madaldal na presidente ng classroom namin.
"Alam mo, minsan try mong manahimik. Bahala ka ma tuturn-off nyan sayo si Jasmine." Sabi ko sakanya, tsaka tinuon ulit ang titig ko sa only one ng buhay ko.
Hindi ko ba alam, pero hanggang biro na lang ata ako sakanya. Sa talino kung toh nabobo ako pag nandyan na sya.
*toinks*
"Aray!" Sabay hawak ko sa batok ko.
"Kaya pala, pinsan ko yan uyy~" pinaningkitan ko sya ng mata.
"Edi pinsan mo... gumawa ka nang tula mo." Sabi ko sakanya tsaka sya nilayasan.
Lumapit ako sakanilang dalawa, pag mag kasama si ni Jasmine ang lawak ng ngiti nya. Pag minsan naisip ko sana ako na lang si Jasmine... kaso naisip ko kung ang ugok na president namin ang makakatuluyan ko never mind na lang.
"Hoy! Calma Jasper!" Sigaw ni Jasmine
"Nasaan si Alein?" Tanong nya sakin, tinuro ko naman kung nasan sya.
"Sandali lang Mishang." Sabi ni Jasmine, naiwan kaming dalawa dun. Nakatingin lang sya sakin.
"Gwapo ko noh?" Sabi ko sakanya.
"Sapak you want? Makontento kana na matalino ka. Hindi ka gwapo." Sabi nya tsaka nilayasan ako.
Pag minsan naisip ko may chance ba ako sakanya? Kung hindi nya ako nakikitang gwapo.
Tinignan ko ang repleksyon ng mukha ko sa salamin. Wala nga kong PHYSICAL IMAGE, hayop na pag mumukha ohh... makapal na lense ng salamin ang gamit ko, naka braces anak siopao NERD na NERD ang itsura ko.
Binubuhat ko kasi ang sarili kong upuan pero nadadapa naman ako kaya nahuhulog ako sakanya, pero di nya ako sinasalo.
Lumingon ako sa likod, para kaming kawali ako ang pwet ng kawali sya naman ang mukha.
"Gumamit kaya ako ng sabong pampaputi?" Pang hihingi ko ng payo kay Jasmine.
"Bobo! Hindi tatalab sayo yun, mayaman ka naman mag paturok kana lang... bat ba kasi ang nognog mo? Pinag lihi kaba sa pwet ng kawali?" Tanong nya sakin. Eto kung hindi lang mabait sakin toh matagal ko nang nilaglag sa upuan eh. Inaayos nya kasi ang decoration, wala si Misha babes inutusan nya.
"Grabeh ka eh noh? Lamang ka lang ng ilang hilod sakin eh." Sabi ko sakanya.
"Yun na nga eh tabo at timba lang gamit ko, wala kaming bathtub na tulad ng sayo pero ang itim mo talaga." Isa pang lait mula dito lalayasan ko toh.
"Wag mong lalayasan ang bebe loves ko! Sisiraan kita kay Misha pag nilayasan mo sya." - Alein
Sabi ko nga hindi ko toh iiwan dito.
"Alam mo hindi mo naman kelangan mag hilod eh, o mag paputi. Just be yourself, may mga babaeng hindi naman tumitingin sa pisikal na kaanyuan eh." Sagot nya sakin, tsaka na bumaba sa upuan.
"Try mong kapalan yang mukha mo, bawasan ang kahanginan sa ulo. Sure ball magiging approve ka kay Misha." Dugtong nya pa. Tinignan ko lang naman sya na nag gugupit ngayon.
"Hindi naman kasi koreanovela ang lovestory muna kaylangan pang imakeover ka para ma turn on ang crush mo sayo. Oh common ONE SHOT lang toh wag kang pabebe." Salita nya pa ulit. Nag paalam akong baba muna ako.
Hindi ko alam na pag baba ko...
"Hindi pa nga ko handa sa relasyon na ganyan." Rinig kong sabi nya
BINABASA MO ANG
Hi! Classmate
Short Story♥Collection ng School life One Shot Stories.♥ Sa Classroom nagumpisa akong nagkacrush. Natuto ng hindi lang academics kundi pati kung paano magpapansin kay crush, maging close kay crush, maging inspiration si Crush. Magkaroon ng friends, best fr...