Maliit na cute

77 4 0
                                        




Maraming tao ang naaasar dahil maliit sila. Parati kasing binibwiset na 'dwende', pandak, liit at iba pa.

Katulad nila, maliit din ako.

Pero masaya akong maging maliit.

Sana hindi na ako tumangkad! xDD


Bakit?

Bakit?

Kasi maliit na cute ang crush ko.


Introducing Jansen Esguerra.

Ang pinaka cute na lalaki sa mundo.

And take note! Hindi lang siya cute, ang cool pa niya~

Siya ang top 1 sa buong year level namin. Siya rin ang president sa room nila.

Sabin nga nila, small but terrible! <( ̄ ω ̄)>


Class dismissal na kaya naman nagmadali akong lumabas para pumunta at antayin siya sa labas ng room nila.

Magkapitbahay kami, magkumare at magkumpare ang parents namin kaya sabay kaming umuuwi.


Nakita kong may lumapit sa kanyang matangkad na lalaki.

"Ang liit mo talaga Jansen." Pagtutukso niya.

"Ikaw? Wala ka bang maipagmamalaki maliban sa ulo mo?" diretsong tanong.

"Sapul eh!" tukso ng ibang classmate nila.

Napatawa lang ako.

Naglabasan na sila at nakita niya ako.

"Kim!" bati niya saken.

Napansin niya ang mga dala kong libro.

"Ako na." sabay niyang kinuha saken ang mga books.

"Kamusta araw mo?" tanong niya habang naglalakad kami.

"Ok lang." nakangiting sabi ko.

"Pag meron kang hindi alam na assignment, paturo ka lang saken." Sabi niya.

Tumango lang ako ng nakangiti.

"May nangaasar ba sayo dahil maliit ka?" sunod na tanong niya.

Tumango ako.

"Inaasar parin ako ni Anghelo!" pagsusumbong ko.

"Ano? Papatulan ko na ba?" sabi niya habang naka-abang ang kamao niya.

Natawa naman ako.

Inabot niya at hinaplos ang ulo ko.

"Ok lang na maliit ka, cute ka naman." Sabi niya ng nakangiti.


Kung pwede lang magfangirl mode ako ngayon eeehh!!

"Cute tayong dalawa." Sabi ko naman.

Ngumiti siya.

"Pero cool and cute ako di ba?"nahihiyang tanong niya.

"Oo naman." Pagsang ayon ko.


Masasabi kong CUTE ang relasyon namin.

Naka outside dress kami ng pumunta ng school para sa practice. Nagkita kami sa side gate.

Papasok na siya ng napadikit sa kanya ang isang student na babae na nakasabay niya papasok. Sa gulat agad siyang lumayo. Nakita kong namula siya.

Ito pa ang isang cute sa kanya. Hindi siya sanay na madikit sa girls. Agad siyang namumula at nahihiya. Kambal na lalake kasi ang kuya niya at siya ang bunso. Maagang namatay ang parents nila at halos lalaki ang nasa side ng papa niya.

Hi! ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon