♥Collection ng School life One Shot Stories.♥
Sa Classroom nagumpisa akong nagkacrush.
Natuto ng hindi lang academics kundi pati kung paano magpapansin kay crush, maging close kay crush, maging inspiration si Crush.
Magkaroon ng friends, best fr...
THIS IS A WORK OF FICTION NAMES, CHARACTERS, PLACES AND INCIDENTS ARE EITHER THE PRODUCT OF THE AUTHOR'S IMAGINATION OF IF REAL USED FICTITIOUSLY. ANY RESEMBLANCE TO ACTUAL PERSONS, LIVINV OR DEAD IN TAGALOG BUHAY MAN O PATAY IS PURELY COINCIDENTAL!
TO MAKE IT SHORT WAG TAYONG FEELING.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
⚠️⚠️⚠️
"Uuuyyy hopia. Favorite ko yan." Sabi ng lalake sa likod ni Hya (pronounced it as haya) na naka nguso pa na parang nag papa cute sakanya. Which is walang dating at all kay Hya. "Oh ngayon?" Supladong sagot naman ni Hya sakanya.
"Penge!" Sabi nito na excited. Pero favorite kasi ni Hya ang hopia— any type of hopia is her thing kaya naman.
"Nilawayan ko na to." Pag dadamot ni Hya sakanya.
"Okay lang kumakain ako ng nilawayan na." Napakamot ulo si Hya sa inis sa sobrang kaburaotan nitong si Noel.
"Ay sayo na nga!" Sabi ni Hya na inis sakanya... ngumiti naman ng tagumpay si Noel sakanya. "Sisipain kita diyan tumayo ka na at umalis diyan sa likod ko." Sabi ni Hya.
Tumayo si Hya sa pwesto niya at lalabas ito papuntang faculty dahil naka receive siya ng text mula sa teacher nila na kuhain daw niya sa table nito ang mga gagawin nila for today.
"Saan ka pupunta, Hya?" Tanong ni Noel habang na nguya pa. "Baba ako, kukunin ko sa office ni ma'am Timbang ang gagawin natin today." Sagot ni Hya, kahit walang sinabi si Hya ay sumunod naman itong si Noel sakanya papunta sa faculty para tulongan siya.
Pagka dismissal ay agad silang nagka yayaan na "tara siomai tayo!" Sabi Kai.
"Hya! Tara na—" pero wala na sa loob si Hya nandito na siya sa tabi ko natawa naman ako.
"Parang buntot mo yon nu?" Pag puna ko kay Hya.
"Nako mambuburaot lang yon sa tindahan mamaya pag sumabay ako sakanila." Sagot niya sakin.
"Eh ikaw? Wala ata si Kuya Alein." Tanong niya sa jowa ko na busy ngayon dahil malapit na ang UN days.
"Yasssmiin habibikoooooo" napangiwi naman agad ang itsura naming magkapatid kay alein na yumakap agad sa braso ko. Agad naman yumakap si Hya sa kabila kong braso at hinila ako palayo kay Alein.
"Ikaw mukha kang bibe. Naka nguso ka pa at chachansing kay ate." Asar na sabi ni Hya sakanya.
"Awee— apaka overprotective naman ng bunso namiiin!" Sabi ni Alein at akmang yayakap sana ito sakanya pero agad nilabas ni Hya ang pepper spray niya. "Sabi ng daddy namin kapag may stranger ispray ko daw to." Sabi nito— eto nanaman ako aawat sakanila. Pareho akong kumapit sa bisig nila at sabay sabay kaming bumaba pauwi.