Seryoso Na To!

41 3 0
                                    

Amber's POV

Palabas ako sa corridor nung makita ko ang lalakeng pinaglihi sa masamang hangin.

"Hoy babae! Ayosin mo yang itsura mo ah!" Pambungad nya sakin.

"Ganto na itsura ko. Kahit iparetoke pa natin toh wala ng pag asa!" Sabi ko sakanya, inakbayan nya ako.

"Binabayaram kita." Bulong nya sakin na may gigil.

"So? Wala namang libre sa mundo kaya dapat lang na mag bayad ka." Sagot ko sakanya. Nag lakad kami na nakaakbay sya sakin. Kaway sa kaliwa at kanan. Mala story sa wattpad noh? Well hindi ko din alam pano ko toh napasok. Hayaan nyong ikwento ko sainyo kong pano nag umpisa ang lahat.





"Amber!" Lumingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Tinignan ko sya from head to root. Mukha kasi syang puno ng buko sa tangkad nya.

"Oh bakit kookie?" Sagot ko sakanya.

Lumapit sya sakin, sino sya? Kaklase ko sya noong elementary ako. Kawayan na sya noon pa man. Marvin Kookie... Este Marvin Rookie Morales. Isa syang team captain sa kabilang school. Kalaban ng school namin, hindi ko alam kung bat nandito ang hinayupak na toh.

Hindi man lang nahiya, gwapo sya... Sa mata ng mga babae dito sa school namin. Pero sa mata ko... Next question please.

"Hoy! Kanina pa kita kausap alambre." Aruuu~ jusmiyo sya na tong nakikiusap na mag panggap ako na girlfriend nya eh sya pa tong siga.

"Ayoko." Sabi ko sakanya. Tsaka tumayo, leche bat ba ako sumama sa cafe na toh daming tao pa man din. Nakakahilo.

"Please." Lumuhod sya sa harapan ko. Sabay hawak pa sa paa ko. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya. Sisipain ko sana sya...

"Ay kawawa naman si pogi. Kung ganyan ka gwapo man liligaw sakin oo na ako." Sabi nung babaeng mukhang kumain ng limang plastic ng sili sa pula ng labi nya.

"Oo nga girl. Di naman maganda tong babae pero kung mam busted eh ganun na lang." Huwaw ate? Tataa. Pag panget wala ng karapatan mambusted? Pakainin kita ng sili eh.

"Tumaya ka nga dyan. Sisipain kita pag di ka tumayo." Sabi ko sakanya tsaka pinipilit na tanggalin ang kamay nya.

"Oo ka muna." Sabi nya.

"Aish!!! Oo na." Sagot ko sakanya.


"Ahem." Napatalon pako sa gulat nung biglang mag ahem tong lolo at lola nya.

"Hey babe, lolo is asking you kung ano daw nagustuhan mo sakin." Sabi ni Marvin.

Kelangan ko bang sumagot sa tanong na yun?

"Ah... Ano po... Hm... Madami po. Gwapo, gwapo, gwapo, gwa--" hinawakan nya yung kamay ko. Halos mabali buto ko sa kamay nung hinawakan nya kamay ko. Suntok mamaya aabotin ng kookie na toh!

"Babe. I know gwapo ako. But other than that..." Sabi nya.

"Ah ganun ba. Mabait... Pag tulog." Bulong ko.

"Ilang buwan na kayo ni Marvin? Kilala muna ba ang apo ko kaya sumagot ka ng OO ng ligawan ka nya?" Sabi ng lola nya.

Ligaw? Gawd. Hindi po nanligaw ang kawayan na yan. Lumuhod lang po at nakiusap halos halikan nya na po ang sahig sa sobrang pag mamaka awa nya.

"2 weeks lola." Sagot ni kookie.

"Yes. 2 weeks. Kilala kona po sya. Alam ko po na may sungay sya, mayabang, masyadong masama ang tabas ng dila, walang sense of gentleness sa balat, pero kahit na ganun pag tulog po sya... At pag may naapi po eh pinag tatanggol nya." Naka ngiti kong sagot.

Hi! ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon