Shirley's POV
Nag lalakad ako papuntang photosynthesis club ng masalubong ko si Brian-senpai. Kumaway ako sakanya kinawayan nya naman ako pabalik. Well di kona sya crush, sunbae(senior) at hoobae(junior) na lang status naming dalawa.
Nandito din si Red tsaka Green, kasama ko sila malamang. May tinitignan sila sa isang desktop. Lima yung desktop dito gawa naman lahat eh bat nag sheshare sila sa iisang desktop?
Si Red meron na syang Skyler OTP name nila eh #RedSky hindi naman ako naiinggit nag hihintay ako ng tamang panahon. Si Green may chris na sya getting stronger ang status nila bumangga bukol aabotin. Isama pa natin si Amber may Rookie na sya.
Oo na ako na ang HOPIA at NGA NGA sa buhay pag ibig eh... Ano bang magagawa ko malaki galit ni kupido sakin. Kaya hayaan kona lang na humupa galit ni mister kupido sakin.
Napaharap ako sa kumatok sa pinto ng club room namin. Yung dalawa tuloy pa rin sa tinitignan nila sa desktop.
"Ah hello. Ako nga pala ang president ng club natin. Kakauwi ko lang from US kaya ngayon nyo lang ako na meet." Sabi nya samin.
Bwisit na bwisit ako sa president ng club namin noon kasi inabanduna nya kami. Pero ngayon hindi na, kung ganto ba naman ka gwapo toh dito na lang ako forever sa club room na to.
"Hello." Bati ko sakanya.
"Red?" Tawag nya kay Red humarap naman ito.
"Yes?" Sagot nya na pakurap kurap pa.
"Patulong ako sa mga gamit dun sa kotse ko. Patulong na rin Green. Mamaya na yang computer, trabaho muna noh?" Sabi nya na naka ngiti. Nasapo ko mag kabilang pisngi ko... My goodness gracious eye smile ba yun? Eye smile yung nakita ko diba... Tapos yung nunal sa gilid ng mata nya! Mag bibigti na ba ako?
"Ikaw naman Shirley samahan mo akong mag gupit para sa Event." Sabi nya sakin. Sasamahan ko daw sya, sandali yung puso ko nakalabas na ata.
"Ah sige po." Pero teka pano nya nalaman pangalan ko? Eh ngayon pa lang kami nag kikita.
"By the way my name is Raven Lim. Graduating ako this year, pero dito pa rin ako mag college. Meron kasi akong maiwanan eh." Sabi nya. Masakit! May gusto na syang iba! Anak ng tinapa okay wag ka nang mag paka flavor ng siopao Shirley.
"Ohhh ~" maikli kong sagot.
"Finally i meet you." Sabi nya sabay lahad sa kamay nya.
"Ah opo." Sabi ko sabay hawak sa kamay nya. Shake hands lang yun di ako humaharot ayoko ng masaktan.
"Opo? Grabe. Do i look like i'm on my late 40's?" Sabi nya. Bakit ganyan? Ang gwapo nya pag nakangiti.
"Ah. Hindi. Syempre kasi sabi mo graduating kana so ibig sabihin matanda ka sakin." Tumawa lang naman sya sabay haplos sa ulo ko.
"Cute." Sabi nya. My gawd? Sino ako? Mukha ba ako shih-tzu?
Isang linggo na nung nag umpisa kaming mag gupit gupit ng mga props para sa mang yayaring event. Hindi ko alam kung ano yung event pero may ideya nako. Mukhang mag kakaroon ulit ng forever ang isang pares ng estudyante next week.
Lunch break nasa cafeteria kaming apat kasama namin si Amber. Nag rereklamo sya samin bakit ganun daw so Rookie. Nakakaasar daw sya, actually silang tatlo lang nag kakaintindihan. Aminin ko nakakainggit kasi may mga forever na sila. Pero the end of the day naisip kona swerte pa rin ako kahit single ako. Hindi ako maasar sa boyfriend ko. Kaya mas prefer ko ang senpai kesa sa kasing edad ko ang magiging boyfriend ko. Pero feeling ko mag tatagal sila ng mga karelationship nila. Kasi literal na asaran lang naman ang nagaganap at literal na tsundere lang tong tatlong toh kaya ganyan sila.

BINABASA MO ANG
Hi! Classmate
Conto♥Collection ng School life One Shot Stories.♥ Sa Classroom nagumpisa akong nagkacrush. Natuto ng hindi lang academics kundi pati kung paano magpapansin kay crush, maging close kay crush, maging inspiration si Crush. Magkaroon ng friends, best fr...