53 71 23 39 8 92

27 3 2
                                    

Hindi ko ba alam bakit napaka hina ko sa chemistry rank 1 naman katabi ko pero hirap akong kumopya sakanya. Though we are all goods. Wala na akong feelings for him, pero kung minsan hindi ko maiwasan mapaisip na sana di ako na seating arrangement zone.

Kapag summer class na ganito tumatanggap ang school namin ng mga galing sa ibang school. Hindi naman ako totally bagsak pero kailangan lang namin ito for advance. Kasi late bloomer ako—

"Jas!" Si Alein ang tumawag sakanya.

"Jas— hindi ka maniniwala kung sinong nakita ko papasok dito!" Sabi nito sakin tsaka hinila ang upoan sa harapan ko.

"Hindi ka din pumasa ng chemistry?" Tanong ko sakanya.

"Actually, pumasa ako pero andito ang misis ko so I have to assist her madami pa man din mga lalake galing ibang school." Pag eexplain nito sakin, pero biglang umiling iling na parang sinasaniban.

"Alein!" Asar na tawag ni Yasmin, tong mag jowa na to. Para namang magnet na agad lumapit kay Yasmin. I guess opposite pole attracts?

"Psst. May prutos ka?" Tanong nung nasa likod ko, pamilyar yung boses. Kaya hindi ko pinansin— sinipa niya ang upoan ko. Para agawin atensyon ko pero hindi ko pa din pinansin ito. Kaya naman nagulat ako ng umupo siya sa harapan ko— magkaharapan kami. Yung mukha namin— masyadong malapit kita ko yung glass skin niya na mapapa sana all ka na lang.

"Ano ba Luna!" Asar na sabi ko.

"You still call me Luna. Good." Sabi nito.

"Wala kang prutos na dala?" Tanong niya sakin.

"Wala. Tsaka bumalik ka nga sa pwesto mo— at anong ginagawa mo dito?" Sunod sunod kong tanong.

"Nabalitaan ko kay Alein na bagsak ka." Umpisa niya. "So I'm here para sabayan kang mag chemistry." Sabi niya sakin, tinaasan ko siya ng kilay.

"Para sabihin ko sayo— crush update lang. Hindi na kita crush okay— na uncru—" bigla niyang linapit ang mukha niya sakin at ngumiti.

"Edi i crush back mo ko ngayon." Sabi niya sakin ng nakangiti, tinulak ko ang mukha niya, pero inagaw niya ang kamay ko at hinalikan ito! Nanlaki ang mata ko— "sorry it took so long for me to realize na gusto din kita. Hindi mo naman kasi pinapansin mga pag puso ko sa IG posts at pag heart reacts ko sa profile pics mo." Mahabang litanya niya pakiramdam ko namumula ang pisngi ko. Iniwanan niya ako sa pwesto ko— at may kinuha sa bag niya.

"Ayan lahat ng naipon kong piso mula sa puso mo." Sabi niya sakin at inabot ang isang alkansya na mabigat.

"A—anong gagawin ko dito?" Tanong ko sakanya.

"Sa first date natin iyan gagastosin natin." Sabi niya na tumatawa— kainis ang gwapo pa din! Napa iling iling ako internally—

"Pera ko yan so bat natin gagastosin?" Tanong ko tsaka hinawakan ang alkansya na inabot niya.

"Pero ako nag ipon para sa atin." Sagot nito na para bang nag papa cute pa sakin.

"Gusto ko lang ng tahimik na summer class." Sabi ko sakanya— ngumiti siya.

"I got you." Tsaka nag wink sakin.


Isang linggo— na ang nakalipas. Nabanggit ko ba na nung elementary kami somehow close kami ni Luna. Bukod sa pag hingi niya ng prutos at piso sakin minsan sabay kami mag lunch kasi ang alam ko may gusto siya sa mga isa sa kasabay kong mag lunch.

"Sumasabay ako dahil sayo. Masarap kasi luto ng mama mo eh." Walang bahid ng pagka pa fall ang hampas lupa na ito. Masyadong honest—

"Pero nitong nag high school tayo dun ko naisip na nakaka miss ka din kasabay. Tapos bukod dun yung ulam mo din nakakamiss." Dagdag niya pa na hawak ang lunchbox ko at kinakain na ang ulam ko.

"Pero wala akong gusto sa kahit sinong kasabay mo noon. Etong ulam mo ang dahilan talaga." Naka ngiti niyang sagot sakin.

"Kabisadohin mo na yang periodic table. Mamaya mag tatanong ako." Sabi niya tsaka binuksan ang baon niya na sandwich at ini abot sa akin.

Lumipas pa ang isang linggo— 13 days lang kasi ang summer class. Napapa balita na sa loob ng klase namin na may relasyon kami. Mabilis talaga ang chismis parang epidemya lang kung kumalat. Ini deny ko pero hindi niya ito ini deny. Sinasabi niya na nililigawan niya ako.

"Eh ayoko mag paligaw." Sagot ko.

"Hindi ko naman kailangan ng permission mo. Gusto kitang ligawan, may gusto ako sayo at ang kailangan lang eh bumalik yung nararamdaman mo sakin." Sabi nito tsaka ngumiti sakin, na para bang sigurado na mag kakagusto ako uli sakanya.

"Pero 3 days na lang pag lalayoin na tayo uli ng tadhana." Sabi nito at bumuntong hininga.

"Mabuti pa covalent bonding—" sabi nito tsaka pinakita ang chart sakin. "May sharing of electrons." Dagdag niya... tsaka ako tinignan. "Ikaw kelan mo isheshare yung feelings mo for me?" Tanong niya.

Sabi nila nararamdaman daw ng lalake kung may gusto sakanila ang isang babae— nung una hindi ako naniniwala. Dahil di naman naramdaman ito ni Calma— o siguro dahil sa masyadong mataas ang defense mechanism ko na madalas ko siyang masungitan kaya di niya maramdaman noon na may gusto din ako sakanya. Simula noon naisip ko wala talagang mag kakagusto sakin kasi masyado akong mataray, siga, minsan nga walang preno ang bibig sa pagiging pranka ko...

"B—bahala ka nga diyan." Sabi ko sakanya tsaka siya iniwanan.

Mag kasama kami ni Luna sa ilalim ng balete tree, siya kasi ang ini partner sakin.

"Alam mo nag papanggap ka lang na hindi ka marunong sa chem." Sabi ko sakanya.

"Gaya ba ng pag papanggap mo na wala ka ng gusto sakin?" Tanong niya na naka ngiti at humalumbaba.

"S—sino naman may sabi na may gusto ako sayo?" Tanong ko sakanya.

"Alam ko lahat tungkol sayo— it may sound like I am a stalker to you or a weirdo— pero iyon ang totoo I secretly check on you watch on you... wala din kasi akong lakas ng loob para lapitan ka matapos kong gawing biro ang nararamdaman mo since mga bata pa tayo noon." Pag eexplain niya.

"But I am more serious now. Wala akong balak na pag tripan o gawing biro ang sating dalawa." Dagdag niya.

"M—masungit ako, mahilig akong ideny ang nararamdaman ko—" nagulat ako ng hilain niya necktie ng uniform ko para halikan ako— mabilis lang naman iyon pero teka! First kiss ko yon!

"Then I don't care— mag sungit ka all you want but at the end of the day... Hindi naman ako mag sasawang intindihin ka hanggang sa makabisado ko ang timpla mo gaya ng iba't ibang formula sa chemistry." Sabi niya na naka ngiti.

"H—hindi ako formula." Nauutal kong sabi.

"Pero para kang chemistry na kailangan intindihin." Sagot naman niya.

"A—ano naman nagustohan mo sakin?" Tanong ko sakanya.

"Masarap luto ng mama mo." Parang gusto kong umiyak sa sinabi niya.

"Pero never mo itong ipinag damot." Dagdag niya, hindi ko magets anong pinag sasabi niya.

Ngumiti siya. "Ibig kong sabihin hindi mo ipinagdamot na makita ko ang different sides mo na I find interesting as always." Sagot niya.

"T—tayo na." Sabi ko tsaka tumayo at nag lakad palayo sakanya.

"Tayo na?" Tanong niya na hinahabol ako.

"Tayo na pumasok sa klase!" Sagot ko ng nakatalikod.

"Awee nahihiya ba bebe ko? Teka lang naman!" Sabi niya lumingon ako saknya na kinukuha mga gamit namin.

Tumakbo siya palapit sakin. "53 71 23 39 8 92" sabi niya na random sinabi ang mga periodic tables ito ang pinag aaralan namin kanina.

"I Lu V Y O U." Sagot ko.

"I love you too." Sagot niya tsaka tumakbo palayo sakin.

Matagal bago na process ng utak ko— "hoy Antonio Luna!!!"

💕

A/N: sana happy lang parati ano? XD 😂🤣 sksksks

Hi! ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon