Bagyong Enriquez

75 4 0
                                    




"Bagyo ka ba? Kasi the moment you leave my area of responsibility, you leave my heart in the state of calamity." --Anonymous

(A/N: PENGENG TISSUE, CHALK, IT STARTED WITH AN IPIS and LASSANG CHOCOMANI joke reference)


"Hindi daw makakapunta si Jawn." Sabi ni Storm kay Sylvy.

"Talaga? Pano niyan, may emergency din si Krinkle." Sabi naman ni Slyvy.

Nilingon nila ang bawat isa. Nagbuntong hininga si Storm.

"Okay lang, umuwi nalang tayo." Sabi nito.

"Pero sayang naman kung hindi tayo tutuloy." Mahinang panghihinayang naman ni Sylvy.

"Okay lang. magiging awkward lang kung tayong dalawa lang ang lalabas." Katwiran ni Storm.

"Kung hindi lang naman dahil sa nanliligaw si Jawn kay Krinkle hindi naman tayo magkakasama. I mean—hindi naman talaga natin gusto ang isa't-isa." Prankang dugtong nito.

Slyvy: Tama siya doon. Sa tingin ko mas mageenjoy siya kung ang kasama niya si Love. Yung mga tipong tahimik at mahinhin.

"Tama ka. Umuwi nalang tayo." Pagsang-ayon ni Sylvy.

"Mauna na ako." Dugtong niya tsaka naunang umalis. Tinignan lang siya saglit ni Storm bago umalis rin.

"Tama, hindi naman ako yung tipong gusto niyang kasama. Ayaw niya sa makukulit na gaya ko." Sabi naman ni Storm sa sarili niya habang naglalakad.


SEZ (Storm) POV

Hindi naman talaga siya ang tipo kong babae pero bakit nga ba lumalaki ang existence niya sa mundo ko?

Ah! Oo nga pala, nagumpisa yun ng macurious ako ng makita ko siyang lumabas mula sa CR ng lalake.

Siya yung prankang tao pero nalaman ko na hindi siya yung tipong sinasabi o pinapahalata na gusto niya ang isang lalake.

Nahalata ko na gusto niya yung nasa kabilang room. June ata ang name nun. Akala ko magiging sila pero hindi ko inexpect na ang magiging syota nun ay ang bestfriend niyang si Mich.

Gusto ko sanang magpapansin sa kanya kaya naman ginawa kong tulay si Love.

"Nakakainggit naman close na si Love ng crush niya." Sabi ko ng tumabi sa kanya.

"Masyadong gwapo at sikat ang lalaking yun na habulin ng babae. Wala akong tiwala sa kanya." Prankang sabi niya habang tinitignan si Love sa kabilang row na kausap ni Krinkle.

"Tama na, wag ka ng maging overprotective sa anak mo." Sabi ko habang hinahaplos ang ulo niya. Nakita kong lumingon siya saken. Ginulo ko ang buhok niya.

"Ang buhok ko!!"

Bumalik na ako sa upuan ko sa likod niya.


Unang beses na hindi namin kasama si Love kumain ng lunch.

"Bakit si Love ang magtatapat? Babae pa talaga? Nakakahiya naman sa lalaking yun di ba?!" reklamo ni Sylvy.

"Kalma lang Vivi." Si Krinkle ang nagsalita.

Ako naman hawak-hawak ang ulo niya at minamasahe. Ang init kasi eh.

"Mas okay naman ang mga tipong gaya ko di ba?" singit ko.

"Ikaw bagyong Enriquez! Anong tingin mo sa ulo ko? Bolang Kristal? Don't touch my hair!" sabi niya habang pinapalo ang kamay ko."


At naging magsyota na nga si Love at ng lalaking yun.

Lunch break ng makita kong kunot noong nakatitig si Sylvy. Pinisil ko ang magkabilaang pisngi niya.

"Ano na namang kailangan mo saken bagyong enriquez?" naiiritang tanong niya.

Hi! ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon