Di ako maliit, cute ako! Rawr!

52 4 1
                                        


Alam mo yung feeling na hindi ka mapansin ng crush mo kasi iba yung crush niya? Na kailangan maghanap ka ng paraan para mapansin ka niya kahit na kailangan asarin mo siya?

Iyon ang sitwasyon ko kay Kim. Parati ko siyang inaasar na dwende at liit pero ang totoo nacu-cute-an ako sa kanya, lalo na sa height niya. Nakakatuwa rin dahil ang dali ko lang siyang kargahin.

"Kim, kahit anong gawin mo hindi ka na tatangkad." Pang aasar ko sa kanya.

Sana forever na siyang maliit.

"May two years pa ako para tumangkad noh!" sigaw niya saken gamit ang maliit at cute niyang boses.

Tumingin ako pababa sa kanya.

"Masyado ka lang talagang matangkad!" sabi niya saken. Ang saya, nagkakausap kami ngayon.

Hinipo ko ang batok ko. "Aray, mangangawit ako kakayuko sayo." Pangaasar ko.

"Michael Demonyo!" nakakatuwa na parati kong naririnig na tinatawag niya ang pangalan ko.

"Michael Anghelo Formosa, tigilan mo na nga si Kim!" si Chloe ang umawat saken. Classmate niya.

"Pumupunta ka lang dito sa room namin para asarin siya." Dugtong niya.

Oo ang masaklap na katotohanan ay nahiwalay ako ng section. Pero okay lang kasi sa kabila lang ang room ko. Araw-araw ko siyang maaasar este makikita.

"Pero nandito pa si June." Excuse ko. Girlfriend kasi ni June yung isang classmate ni Kim. May excuse ako para araw-araw pumunta sa room nila hehe.


Naningkit ang mga mata ko ng makita ko na naman na kasama niya ang childhood friend DAW niya na si Jansen ng uwian. Everytime na pumoporma ako para sabayan siya sa paguwi, parati ko silang nakikitang magkasama. Parehas silang maliit.

Don't tell me, ang gusto rin ni Kim ay maliit na lalaki? Pano niyan matangkad ako? :((


Napahinto ako ng mabunggo pagkapasok ko ng kwarto ng St.John. Yumuko ako para tignan. Si Kim pala.

"Sorry, sobrang liit mo kasi hindi kita nakita." Nakangiting sabi ko.

"Di ako maliit, cute ako!" katwiran niya. Oo alam ko. Cute siya, sobrang cute.

"Michael Demonyo!" pagbabalik niyang asar saken.

Tinawag na naman niya ako sa pangalan ko <3

"Pupunta ka ng canteen?" tanong ko.

"Wala ka na don!" masungit na sabi niya. Kahit na nagsusungit siya ang cute niya parin. ^^=

"Samahan na kita." sabi ko.

"Ayoko nga!" mabilis na pagtanggi naman niya. Mas lalo siyang nagiging cute pag nagtataray.

"Kasama ko si Chloe!" sabi niya.

"Pero absent siya ngayon." Sabi ko naman.

"Pano mo nalaman?!" gulat na tanong niya.

Ahaha siyempre naman! Marami akong utol na source ko!

"Tara na cute kong dwende. Hawak kamay." Sabi ko sabay abot ng kamay.

"Hindi ako bata na mawawala sa school noh!" reklamo niya saken.

Pero wala narin siyang nagawa. Sumunod ako sa kanya sa pagpunta sa canteen.

"Ililibre kita Kim, anong gusto mo?" alok ko sa kanya.

Hi! ClassmateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon