Misha's POV
"Hoy!" Tawag ni Alein sakin.
"May test daw tayo ngayon." Sabi nya na natataranta pa. Para syang asong 'di matae. Tinignan ko sya, siguro nag pustahan nanaman silang dalawa ni Yas.
"Pakopyahin mo ako?" Binatukan ko sya. Sinalo nya naman yung ulo nya nalalag eh, de joke lang. Naka dikit pa rin naman.
"Masakit ah!" Bulyaw nya sakin. "Baka mapurunada yung date naming dalawa. Pag hindi ako nakakuha ng mas mataas sakanya." Sabi nya sakin.
"Wala akong pake. Malayo ang pwesto mo sakin kaya wag ako. Try mo kay Jasper mangopya." Sabi ko. Speaking of jasper ayon sya, busy kasama nya si wendy babes nya. Ang cute nilang dalawa, mabuti pa tong si si jasper my poreber na. Eh ako?
"Palibhasa kasi wala kang poreber kaya ayan ka."
"Sasapakin kita alein manahimik ka dyan!" Sabi ko sakanya. Pag ako nag ka poreber 'hu u?' Sakin toh. Lumayas na sya bago pa sya makatikim ng isang flying shoes sakin.
"Hoy babaeng kabayo! Pahingi ako ng papel!" Tinignan ko kung kanino galing yung nakaka imbyernang boses na yun. At hindi nga ako nag kamali galing sya kay Mang Thomas. Yan ang tawag nya sakin babaeng kabayo. Mahilig daw kasi akong manipa.
"Pwede ba mang Thomas, tantanan mo ako. Hindi ako kabayo, at isa pa hindi ako kandidato para mamigay ng papel sayo." Sabi ko sakanya tsaka sya nilayasan dun.
Hindi ko din alam kung anong scientific explanation. Ang makakapag explain sa bwisit ko sakanya. Ewan ko basta naiirita ako sakanya. Kahit nga yung ngiti nya ayokong nakikita eh.
"Mabutas yung papel." Tinignan ko kung sino ang nag salita si Jasper. Tinignan ko sya, nakakaloko yung ngiti nya.
"Isasaksak ko sayo tong ballpen ko. Pero dahil sa gusto ko ang chemistry nyo ni Wendy hindi kona isasaksak sayo toh." Sabi ko.
"Nagiging close kayo ni Thomas my friend ah." Sabi nya.
"Close?! Pinag sasabi mong close?! Eh wala nga syang ginawa kundi tignan ako tapos nakangiti sya. Tapos... Ahhhh!!! Basta. Naiinis ako sakanya." Sigaw kong sabi.
"The more you hate, the more you love." Sabi niya tsaka tumayo.
"Totoo yan." Sabat ni Green. "Look at me now." Dugtong nya pa.
"Tsss iba ako noh." Sabi ko sakanya.
Lumipas ang isang linggo~~
Hindi na nya ako pinapansin. Sabi kona eh trip lang talaga ako ng mokong na yun. Pero kahit na ganun parang ang tahimik ata ng room? Kompleto naman kami wala namang absent.
Nakaupo ako sa blue benches my puno kasi balete dito. Ako yung engkanto dito, syempre joke lang. Malapit kasi dito yung canteen hinihintay ko si Yas.
"May absent ba?" Tanong ko sakanya. Feeling ko kasi my kulang eh.
"Wala." Sabi nya sabay kagat sa siopao nya. Tumingin lang ako sa malayo nakita at narinig ko yung tawa ni Mang Thomas.
"Bakit?" Tanong nya.
"Feeling ko kasi meron eh." Sabi ko, bigla namang may pumagitna saming dalawa at inakbayan kaming dalawa.
"Namimiss mo si Tomas my friend." Sinubo ni Yas yung siopao sakanya.
"Gutom lang yan. Hindi sya naniniwala sa the more you hate the more you love. Kaya hindi nya gusto si Tomas, diba? Misha." Tumango naman ako. Tama sya doon 100% correct.
Lumipas pa ang araw~
"Anak siopao! Bat napapadalas yung MATH LONG QUIZ natin kay ma'am." Sabi ni Alein sakin. Ako naman eto nag rereview hindi kasi ako nakapag review. Hindi ko kasi alam kung anong ginagawa ni Aron sakin at hindi sya maalis sa isip ko kagabi... Simula noong isang araw.
Hindi kaya pinakulam nya na ako? Tapos, ano mang oras ngayon. Tutusukin na nung mangkukulam yung puso ko tapos... Mamatay na ako tapos...
*pak* kung ano anong iniisip ko. Nag bell na yung ring, hindi ko alam kung aakyat na ako, lalo pat wala akong alam na isasagot.
Mag katabi kami sa seating arrangement well, ganto pwesto namin parati. Nag nonosebleed na daw sya sa aming British girl na si Oconer.
Anong equation dito? Jusmiyo...
Nakita kong nag sasagot sya kumopya kaya ako sakanya? Hindi nakakahiya naman. Pag katapos ko sya awayin kokopya ako sakanya. Tsaka cheaters never win kaya hindi ako mangongopya. Tama yan good girl.
*nanghula ng sagot
*nanghula
*nanghula
*nanghula
*nanghula
Okey na yan. Kesa sa nangopya at walang sagot. Nakita ko yung sinusulat nya sa papel.
"Crush kita Jasmine Misha ❤"
Kumabog yung puso ko...
Tinignan nya ako, tsaka nya ako binigyan ng isang ngiti. Ngayon ko lang napansin ang gwapo nya mag smile..."Miss reyes. Your eyes, Aron cover your paper." Sabi ni ma'am.
Kinalabit nya ako at nag sulat sya ulit.
Crush mo din ba ako? Asa naman ako diba? Pero pwede bang umakyat ng ligaw? Kahit ilang sipa pa ibigay mo sakin bago mo ako sagotin okey lang sakin. Kahit na hindi ako kasing talino ni Calma mag papaka dalubhasa ako para sayo. Just give me a chance to prove myself. Ang tagal kong nag isip at lumayo para makapag confess sayo. Sabi kasi nila malalaman mo lang ang halaga ng tao pag wala na sya. So habang wala ba ako sa tabi mo... Namiss mo ako?
"Oo." Sabi ko tsaka nag iwas ng tingin.
"Miss reyes?!" Tawag ni ma'am sakin.
"Anong ginagawa nyo ni Aron?" Sabi ni ma'am tumayo naman si Aron.
"Crush ko po sya ma'am. Na windang ang lahat sa sinabi nya maging si ma'am. Pinaupo nya kami. Pina pass nya yung mga papel. At diretsong labas
" ayiehhhhh~~" sigaw ng mga kaklase ko.
"Katahimikan!!!" Sigaw ni Alein. Sawakas may nagawa ding tama ang pinsan ko.
"Aron, isang banat naman dyan." Sabi ni Alein, niyukom ko yung kamao ko.
"Namiss nya daw ako. Pero miss ko sya." Sabi nya sakin.
"Sisipain kita manahimik ka nga!" Sabi ko sakanya.
Tumayo sya sa harapan ang nag mini-heart gestures. "SARANGHAE" tsaka sya tumakbo palabas hinabol ko sya... Namiss ko toh yung hinahabol sya tapos pipingutin sya. Pero ngayon... Niyakap ko sya kasi namiss ko sya.
"Nado" sabi ko sakanya. Tsaka bumitaw mula sa pag kakayakap ko sakanya at tumakbo pa balik ng room.
Na para bang walang nangyare. Pero hindi matatago sa ngiti namin. Na in love nga ako sakanya ganun din sya.
--
Oh diba nakapag UD din ako hindi ako sure kung may sense tong ginawa ko lols. Aron tomas ang totoong pangalan ni Mang tomas. Kaya wag kayong mag papalito. Hahahaha
OneCuteCaT
BINABASA MO ANG
Hi! Classmate
Short Story♥Collection ng School life One Shot Stories.♥ Sa Classroom nagumpisa akong nagkacrush. Natuto ng hindi lang academics kundi pati kung paano magpapansin kay crush, maging close kay crush, maging inspiration si Crush. Magkaroon ng friends, best fr...