A/N: Kung hindi ka mahahawa, maiirita ka sa pagiging narcissist ni Leon. Wala akong kasalanan xDD
"Crush na kita for 2 months." Pagtatapat saken ng isang babae. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Ngumiti ako.
"Who are you again?" tanong ko.
"Desiree Gandeza. Classmate mo ako." Sagot niya na nagatataka sa tanong ko.
Ah. Classmate ko pala siya.
"Should we go out then?" tanong ko na nakangiti. Nakita kong ikinatuwa naman niyang marinig.
"Yes." Masayang sagot niya.
"We can do anything... but kiss." kondisyon ko na ikinataka niya.
"See you then, love." Paalam ko at umalis.
From time to time, ganito ang parating eksena ng buhay ko.
Ang hirap talagang maging gwapo!
Papasok ako ng library ng merong isang babae akong nakasabay.
"Here." Pinagbuksan ko siya ng pinto. Tumingin siya saken.
"Thank you." Nahihiyang nakangiting pasalamat niya. Pumasok na kami at kasama niya ang grupo niya sa kabilang side ng shelves kung nasaan ako. Mukhang ako ata ang pinaguusapan nila.
Well, sanay naman na ako. Sino nga naman bang hindi ako paguusapan? Sa lakas ng appeal kong ito!
Lumapit saken yung babaeng nakasabay ko sa pinto.
"Hi kuya, anong name mo?" nahihiyang tanong niya.
"Arthur Leon Dimagiba." Buong sagot ko ng nakangiti.
"ah- nice to meet you ako nga pala si—" hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita.
"Do you like me?" nakangiting tanong ko with confident. Bakas sa mukha niya ang gulat at halatang tama ako.
"H-hindi—" nauutal siyang nagdedeny.
"You look beautiful." Pagpupuri ko. Speechless siya.
Yup, with just that word from me, speechless na agad ang mga babae. Kabisado ko na sila.
"Do you want to go out?" tanong ko.
"Yes! Yes!" Napakasaya niya at hindi makapaniwala kaya naman mabilis ang sagot niya.
"We can do anything... but kiss." kondisyon ko. Nagtaka siya.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" tanong niya na hindi ko sinagot.
"See you then, love." Tsaka ako umalis.
Kumatok ako bago pumasok ng room.
"Sorry ma'am I'm late." Paalam ko sa teacher namin na nasa loob. Late kasi ako for 15 minutes.
"Why are you late Mr. Dimagiba?" striktong tanong saken.
"Something came up. Forgive me this once. Maganda ka naman ma'am." Pagpupuri ko sa kanya. Bata pa ang teacher namin at kahit medyo malayo ang edad namin, ramdam kong malakas ang appeal ko sa kanya. At sino bang babae ang ayaw masabihan na Maganda? Tapos galing pa gwapong tulad ko?
"Ikaw! Last mo na yan!" Medyo may kilig at pagtataray na sabi ni ma'am.
"Pwede na po akong pumasok?" paalam ko.
"Yes, Get on your seat." Sabi niya saken at pumasok naman ako.
"Nakalampas ka na naman bro." pagpupuri saken ng seatmate ko.

BINABASA MO ANG
Hi! Classmate
Truyện Ngắn♥Collection ng School life One Shot Stories.♥ Sa Classroom nagumpisa akong nagkacrush. Natuto ng hindi lang academics kundi pati kung paano magpapansin kay crush, maging close kay crush, maging inspiration si Crush. Magkaroon ng friends, best fr...