Red's POV
"Nang dahil sa pag ibig ~~"
"Natutong mag tiis~~"
"Nang dahil sa pag ibig sunud--"
"SHATAP!" Sabay palo ko sa ulo nya nitong libro ko. Umiidlip kasi ako eh, kaso ang ingay nitong katabi ko.
"Sige lang bhebs, handa akong salu--"
"Pag di ka nanahimik sasapakin kita." Pag babanta ko at pag putol sa sinasabi nya.
"Bumalik kana nga sa pwesto mo Skyler!" Bulyaw ko ulit sakanya.
"Alam mo kasi... Ang pwesto ko eh dyan." Turo sa may dibdib ko, abat manyakis talaga.
*toinks* *toinks*
"Aray!" Sabi nya sabay sapo sa ulo nya.
"Salamat ms. President" sabi ko kay Yasmin.
"Dyan kasi sa puso mo ang pwesto ko, di kaya bigyan moko ng pwesto dyan." Sabi ni Skyler.
*toinks*
"Bumalik ka sa pwesto mo. Sa guidance office maluwag oa pwesto dun gusto mo dun ka? Huhugot ka pa eh." Sabi ni Yasmin sakanya
"Ano ba, bubuo ako nang forever ko kasama sya." Sabi nya sakin.
"Forever bad conduct grades you want?" Sabi ni Yas sakanya. Natawa na lang ako, bat ba kasi trip ako nang Skyler na yun? Ako namang tanga nahulog sa trip nya. Ngayon walang kasiguruhan na may sasalo sakin. Hayyy kabobahan mo talaga Red.
Sa Canteen
"Hulaan ko nung bata ka magaling ka sa taguan noh?" Sabi ni Green sakin.
"Oo PRO ako dun." Sagot ko sakanya.
"Galing mo mag tago nang feelings eh." Sabi nya sabay subo sa siopao.
"Ay nag salita ka diba't 3 years ka nang may crush kay Augskdlfjahdk." Di ko natuloy kasi tinakpan nya yung bibig ko.
"Alam mo kasi, give chance Red. Baka TYPE ka nya talaga." Sagot naman nitong si Shirley.
"Hindi ako keyboard." Sagot ko naman sakanya.
Imposible kasing mangyari yun, at hindi ako bulkaseal! Na panakip butas!
"AMINA YANG CHALK!" Sigaw ni ash. Tinignan ko silang dalawa, kung hindi siguro sinagot ni Ash si Zack mapag kakamalan mong sila. May chismis kasi nun na crush daw ni Skyler si Ash.
"Paheram ako. Ito yung ginamit ni Zack, para makabuo ng kanyang porebs. Baka gumana samin ni bhebs." Tumayo ako, tumingin sya sakin. Tinignan ko sya ng masama, at lumabas nang room.
Nag punta ako sa may balete tree, tambayan toh nang mga sawi sa pag ibig. Founder si Calma na #Waiting daw sabi nya sa tweet nya.
Ano ideal type mo sa kissing scene mo.
Edi Romantic.
"RED! Malelate kana!" Napabatikwas ako nang tayo.
"PAK! 6:45 na!" Bulalas ko, ginawa kona ang walang kamatayang morning ritual. Hindi na ako nakapag almusal kasi malelate nako.
Via text
Pak! Girl nsn kna dto na si ma'am timbang menopause nanaman status nya.
- VerdeUy! Nasan kana?! Bismud si ms. Braguda lvl. 9999.
- VisdaBh3bxz, wer n u d2 n m3 @ dur w8ing 4 u.
- unknown.Sino naman tong unknown na toh? Tinignan ko yung wrist watch ko. Nagulat ako kasi 7:45 na late na nga ako. Pero papanong nangyari yun? 7:00 ako umalis sa bahay eh.
"Anak siopao nakasara na nga." Okey RIP eardrums, date: today time: 7:49.
Pag bukas ko sa pinto may butiki na dumapo sa kamay ko. Dahilan para mapasigaw ako. Dahil sa takot ako sa butiki. Na panic attack ako, may nabundol akong lalake. Tumumba kaming dalawa bumagsak ako sakanya. Pati mga labi namin eh nag lapat. Mabilis akong bumangon, tatakbo na sana ako nang hilain nya ako at halikan ulit.
"I love you for REAL" sabi nya. Sasapakin ko sya sana kaso wala akong lakas gusto ko lang tumakbo dahil sa kahihiyan.
Skyler's POV
Alam ko namang kilala nyo nako, ako lang naman ang gwapo at hot na si skyler. Yung nang yari kanina
First kiss date and time: today, 7:20 AM.
*toinks* *pak*
"Aray ko!" Sabi ko.
"Anak siopao, anong ginawa mo naka isa kana dinalawa mo pa eh." Sabi ni Green sakin.
"Sinunod ko lang sinabi nyo." Sagot ko sakanya.
"Nasabi mo naman? Pag hindi mo nasabi ako mananapak sayo gamit tong DSLR ko." Sabi ni Shirley.
"Oo naman." Sagot ko sakanya.
"Osege its our time to shine." Sabi ni Green. Umalis silang dalawa nilayasan ako.
The next day
Ang ganda nang sunrise ngayon, red sky ah.
"Bhebs." Tawag ko sakanya. Mag isa lang kasi sya sa room at nasa pwesto nya.
"Okey sabi ko nga, Red." Katahimikan ang namagitan.
"Alam mo ba, kahapon kinikilig ako. Kasi yung first kiss nakuha na ni crush." Sabi ko sakanya. Tinignan nya ako yung disbelief look. Wow! Ganun ba kasama tingin sakin ng isang ito?
"Tatapatin kita Jonathan Skyler Montez! First kiss ko yun! Tapos nagawa mong nakawin nang walang pahintulot?!" Sigaw nya sakin.
"Alam mo kasi, sorry." Sabi ko umiiyak na kasi sya eh.
"Pancit! Wag kang umiyak Red. Please." Sabi ko sakanya. Hindi pa man nya ako sinasagot napaiyak kona sya.
"Sorry kung parati kitang pinag ttripan, papansin kasi ako sayo kasi gusto kita. Hindi din kita ginagawang bulkaseal, wala na akong gusto kay ash. Lalo na nung naging close tayo este negative positive poles tayo nung may group activity sa P.E. sorry na please wag ka nang umiyak. Totoong mahal kita, please let me wipe those tears." Sabi ko sakanya. Pinunasan ko luha nya, tumahana din syam
"Ako din naman, gusto kita eh." Sabi nya tsaka ulit umiyak. Pinunasan ko naman luha nya ulit. Hinalikan sya sa noo.
"I love you, Red." Sabi ko sakanya.
"I love you too, Sky." Sagot nya sakin.
Red sky is equal too lucky.
--
(Unholycat corner: okey yung scene na may butiki nangyari sakin yun. Binuksan ko kasi yung pinto namin kaso pag bukas ko. Feeling nung butiki isa sya si BIAS para dumapo sa balat ko. Well unfortunately, wala yung poreber ko sa may pintuan. Kasi walang poreber.
Okey sana nagustuhan nyo ang UD ko ngayon. At least umaayon na sa flow ang story ko. Please sa mga nanonood pala ng fairytail dito. #PrayForNaLu)
OneRedCAT
12.20.2015

BINABASA MO ANG
Hi! Classmate
Cerita Pendek♥Collection ng School life One Shot Stories.♥ Sa Classroom nagumpisa akong nagkacrush. Natuto ng hindi lang academics kundi pati kung paano magpapansin kay crush, maging close kay crush, maging inspiration si Crush. Magkaroon ng friends, best fr...