Hindi Magbabago

30 4 1
                                    

August POV

Mainit ang panahon pero umulan ng oras na yun. Dismissal na at halos lahat ng mga estudyante ay nakalabas na. Nakatayo kami sa may benches sa dulo ng quadrangle ng school.

"Sana makilala mo ang taong magmamahal sayo ng higit sa pagmamahal na binibigay mo."  Umpisa niyang pamamaalam saken.

"Sorry hindi ako yun." Hinging tawad niya na hindi man lang ako matignan sa mata.

"Wag mong sabihin yan. Sorry na..." Kinuha ko ang kaliwang kamay niya para suyuin siya.

"Ano bang dapat kong gawin? Sabihin mo lang. Kaya ko namang mag-adjust." Pakiusap ko.

"Akala ko ba tayo hanggang sa huli?" Pagpapaalala ko pa na nakakuha ng atensyon niya para harapin ako at tignan mata sa mata.

"Hindi pala ganoon kadali..." nakita kong may tumulong luha sa mata niya ng bawiin niya ang kamay niya na hawak ko.

"Alam ko matatagpuan mo rin ang taong para sayo." Pinilit niyang ngumiti.


Katulad nito, paulit-ulit na nagrereplay sa alaala ko ang break up scene naming dalawa. Iyon ang Summer na hindi ko malilimutan. Masakit pero ako ang may kasalanan. Hati kasi ang atensyon ko dahil varsity ako. Napabayaan ko ang relasyon namin. Grade 8 kami nun. Junior High School. Naisipan kong magtransfer ng Senior high para naman maiwasan na masaktan siya pag nagkikita kami pero parehas ata kami ng nasa isip dahil nagkataon na parehas ang pinagtransferan naming school. Ang tadhana naman talaga... seatmate pa kami sa isa naming subject. Pero hindi naman naging masaklap ang pagkikita namin ulit. Actually maganda nga.

"Kalimutan na natin ang nakaraan. Isipin nalang natin na first meeting natin ito." Pag aalok niya na ikinatuwa ko naman. Dahil ibig sabihin ok lang siya. Pero medyo malungkot din dahil ibig sabihin nun nakapagmove on na siya.

"Friends?" ngumiti ako kasabay ng pag alok ng shake hands na tinggap naman niya.


Dehado nga talaga ang side na hindi nakapag move on. Ang hirap maging kaibigan dahil bawat ngiti niya saken, bawat biro niya, bawat pagkakataon na magkasama kami, ikinatutuwa ng puso ko.

"Summer magresume na daw ang practi—" napahinto ako ng makitang nakatulog siya sa desk niya kakahintay.

Hindi parin siya nagbabago, tuwing nabobored siya or walang ginagawa, inaantok.

Tahimik akong lumapit at dumuko sa katabing desk para pagmasdan siya.

Nagbalik alaala na naman saken ang isang eksena pagkatapos ng break up namin.

"Masaya ako na back to normal ka na sa varsity niyo dahil alam kong yan ang dream team mo."madali ang pagkakasabi niya nun kahit matagal kaming hindi nagkausap.

"Ikaw din. Nakakalabas ka na ulit kasama ang mga kaibigan mo." Naglakas ako ng loob na sabihin yun sa tono ng normal naming usapan.

" Alam ko makakapag move on rin tayo.Isa pa, dahil deserve mo na maging Masaya." Nagaalalang sabi niya. Mali siya, alam ko mas deserve niya yun.

Kasalanan ko. Kasi hinayaan ko nalang na mawala siya. Pero naisip ko rin, na mas deserve niya ang ibang lalaki na magpapasaya sa kanya. Higit saken. Kaya naman nakapagdecide ako. Na tutulungan siyang mahanap ang kaligayahan niya. At sa tingin ko nakita niya yun sa isa naming kaklase at utol ko—si Nico.

Parati ko siyang napapansin na tumitingin sa kanya. Kaya naman ng P.E. subject namin at nagpapartner para sa sayaw, marahan ko siyang tinulak sa likod para mapalapit kay Nico.

Hi! ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon