Chocolate ang lovelife

85 6 7
                                        




A/N: This is a work of fiction. Any names resemble to actual human dead or alive are used fictitiously. Bato-bato sa langit tamaang mafeeling wag magalit >.<


GREEN POV

Meron akong boyfriend. Recently lang naging kami. We have a LOVE and HATE relationship.

Magkaaway kasi kami nun! Parati niya akong inaasar na 'raticate'. Alam niyo yung sa pokemon? Kung hindi niyo alam, google niyo. Minsan naman bibe kasi gusto ko dati yung bibe tapos hinabol ako T^T.

Parati naman akong bumabawi sa pangaasar sa kanya ng uling or kampon ng kadiliman.


This year, hindi na kami magkaklase. St.John kasi ako at St.Martin naman siya. Pero iba talaga ang level ng pangaasar niya saken, pumupunta pa talaga siya ng room namin para asarin ako!

Hanggang sa—

"Gusto kasi kita." sabi niya ng kami lang dalawa ang nakaupo sa may garden.

"Ha? Anong gusto mo? Masapak?" bawi ko.

"Hindi, ikaw." Anong pinagsasabi ng kampon ng kadiliman na to?

"Yung mga gusto ko nakakasilaw sa liwanag, malayong-malayo ka oh!" sabay pagpapakita sa cellphone ng crush ko na kpop.

"Hindi mo naman makikita ang mga yan eh." Sabi niya.

"Ano bang alam mo!"

"Pwera biro nga, gusto kita." pagbabalik niya sa topic.

Inumpisahan na tuloy akong kabahan. Ano ba kasing trip ng uling na to?

"Kahit na parati kitang inaasar, gusto talaga kita." sabi niya.

"Anong klaseng logic yun? Gusto mo ako pero parati mo akong binubuset at inaasar?" sabi ko.

"Pano kasi hindi mo ako pinapansin."

"Ah- papansin ka lang pala."

"Hindi nga, seryoso. Liligawan kita." napatingin ako sa sinabi niya.

"Hihintayin ko ang sagot mo." Sabi niya tsaka umalis.

Ano daw?? Itong Kris madilim na uling Canlas na ito! Ano na naman bang hinithit niya?


Hanggang sa nanligaw nga siya. May chocolates and teddy bears pa siyang nalalaman. Eh kung sanang binilhan nalang niya ako ng album ng B1A4 o di kaya Got7 eh di sana sinagot ko na siya! Joke. Bat ko sasagutin ang butiking yun?!

"Pero parati mo siyang kinikwento." Si ate Ssa ang nagsalita. Nakakatandang pinsan ko.

"Sabi nga nila, ano kasi yun? Tulak ng bibig kabig ng dibdib?" dugtong niya.

"Ate Ssa, naglalabas lang ako ng sama ng loob. Ang itim kasi ng budhi ng butiki na yun eh tapos bigla-bigla gusto niya ako. Tapos nanliligaw siya?!" reklamo ko.

"Ate, di ba nga, the more you hate, the more you love?"  si Ayang naman ang nagsalita, nakababatang pinsan ko naman.

"Ayang, alam mong hindi yan totoo samen, di ba ate?" paghahanap ko ng kakampi.

"Oo. Pero iba sa inyo ni Kris. May spark eh." Sagot naman ni ate Ssa na walang balak na kampihan ako.

"Ikaw ba sa tingin mo ate, anong nafefeel mo sa kanya?" tanong naman ni Ayang.

"Hindi ko alam! Minsan kinakabahan ako sa kanya!" nalilitong sabi ko.

"Sinasabi na nga ba eh! Sinasabi na nga ba! Naramdaman ko na yan eh!" Panghuhuli ni Ate Ssa.

"Ate ano ba!" awat ko.


Pero totoo, feeling ko naiinlove na ako sa butiking yun...


Hi! ClassmateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon