Ella's POV
Tang na Orange yung nag nakaw nang payong ko! Pucha sya. Lagot ako sa nanay ko pag nalaman nya na nawala ko yung payong na ang halaga eh 300 pesos. Original chuchu pa man din yun para daw hindi agad masira.
Kakauwi ko lang sa bahay. Syempre di ko sinabi sa nanay kona nawawala yung payong ko kasi LITERAL na sprakanayt aabotin ko dun. Sasabihin nya 'hindi mo ba alam na ang hirap kumita ng PISO.' Mga ganun na sermon ni mama.
Pag tapos kong kumain nag hugas na ako ng plato at pumasok sa kwarto ko. Ginawa ko ang mga assignments ko. Tapos binuksan yung GC namin sa classroom.
Via CHAT:
Me: nanawagan po ako sa nakakita ng payong ko ibalik nyo na. Mahahampas ako ng nanay ko.
Ten: wla ng mg bblik nun sayo. Ellatuts.
(Online sya? Aba aba himala. Take note ni notice nya ako. Ellatuts nanaman tawag nya sakin.)
Me: may mag babalik nun wag kang ano dyan.
(Reply ko. For sure #SeenZone nako. Sanay na ako. Bakit kasi sinali ng President namin tong Sampu na toh sa GC ng st. John.)
Ten: hahaha asa ka? Masasaktan ka lang.
(Aba pucha toh ah! Parang sinabi nya na... 'Pag umasa ka na may gusto ako sayo masasaktan ka lang kaya.')
Me: heh! Babalik sakin yun...
Matutulog nako.Nag out nako naimbyerna ako sa hayop na yun. Pucha sya he hurt me. Gawin kona nga lang yung mga assignments namin.
The next day~
(Alarm TONE: FIRE by: BTS)
Pinatay ko yung ringtone ko bago mabulabog si mama. At ako ang mapatay nya kasi ang ingay ng alarm tone ko.
"UMUULAN?!" Dilat ko sa mata ko nung marinig ko yung patak ng ulan. ANG LAKAS ng ULAN!!! Sumilip ako sa bintana ko.
"Ay pucha. Bakit ngayon pa?! Di ako na orient ma may BAGYO ngayon!!!" Naligo ako ng malamig na tubig, nag bihis at bumaba sa kwarto ko. Binuksan ko yung TV aasa ako na may announcement today. Para sa CLASS SUSPENSION. Kaso WALA katulad ng feeling ni crush WALANG PAG ASA.
Sumakay ako ng taxi para makasakay sa sakayan ng jeep. Joke. Tricycle lang, sinasakyan ko wala namang taxi na nadadaan sa barangay putik eh.
Sumakay ako ng trike na ambon lang tapos pag dating ko sa sakayan ng jeep literal na umuulan!!! BUHOS talaga!
Sumakay nako sa jeep, may sumakay na may dalang payong aba ang letse! Nabasa ako sa payong nya. Like theeee uso sorry, at excuse me. Lalo pang lumakas yung ulan pano ako baba nito? Wala akong payong pag baba ko BASANG SISIW na ako!
"Hello?!" Sagot ko sa phone ko, nag riring kasi... Malamang may tawag.
"Oh bakit?!" Sagot kona naiirita. Ako pa mag papaprint edi pag dating ko sa room mukha nang pinampunas ng basang mesa yung PRINT.
"Wala akong payong kaya wag ako. Ikaw na lang, sya na baba na ako." - sabi ko sakanya.
Pag baba ko tumakbo ako para sumokob sa waiting shed. Tatawid pa ako, wala ba akong kakilala na pwedeng makasabay. Tapos yung may payong.
Tinignan ko yung wrist watch ko. Nanlaki yung mata ko ng makitang 15 minutes na lang malelate na ako!!! My gawd. Bahala na nga.
Kahit na ambon na lang ang patak ng ulan. Malalaki naman iyong mga drops nya kaya tumakbo akong tumawid.
Nang may humigit sa braso ko at sinukob ako sa payong. Nagulat ako kasi si...
"Ten?" Sabi ko. Ang lapit namin naka akbay sya sakin ngayon. Naamoy ko nanaman yung pabango nyang nakakainlove!
"Oh? Bakit? Ellatuts" Sabi nya tsaka kami nag umpisang mag lakad, maiinis sana ako kaso ang gwapo nya... pero naka akbay pa rin sya sakin. Parang umurong yung dila ko. Tapos hindi ko din sya matignan.
Katulad ng sinabi ko hindi kami mag kaklase ni Ten. St. John ako, st. Martha naman sya. Malayo sa classroom ko ang klase nya. Pero dahil sa tropa sya ng presidente namin na si Chris, at nataon pang pareho silang president. Kaya nasa GC namin sya, madalas din syang tumambay sa classroom namin. Kaklase ko sya noong, grade 6. Crush ko sya noon. Kaso hindi na ngayon. Kasi na gayuma na ako ng amoy nya at na inlove na ako.
Nakasara pa yung classroom namin, dahil siguro sa malamig kaya sinara ng mga kaklase ko.
Nag labas ng panyo si Ten at pinunasan yung basang buhok ko dahil sa ulan, pati na din yung mukha ko.
"Nilalagnat kaba? Ella?" Tanong nya sakin. Aish! Naramdaman nya ata yung kilig ko! Umiinit kasi yung mukha ko tapos feeling ko mapula ako! Tinawag nya yung pangalan ko kaya dagdag init sa mukha.
"O kinikilig?" Sabi nya at yumuko para maging mag ka eye level kami.
"H... Ha? H...hindi ah. S...--" hindi ko natuloy yung sasabihin ko kasi binuksan nya yung payong. Sabay halik sa labi ko. Mabilis lang yun mga 2.5 seconds. Hindi din ako nakapag salita agad. Kasi nasa state of after shock ako. Madaming mga tanong ang lumilipad sa utak ko ngayon...
Bakit nya ako hinalikan?
Gusto nya ba ako?
Kailan pa?
Teka? First kiss ko yun diba?
"Salamat sa payong mo." Sabi nya sakin. Tinignan ko yung inabot nyang payong... Payong ko nga.
"Bakit nasayo yan?" Tanong ko sakanya na hindi nauutal.
"Kasi... Kinuha mo puso ko. Kaya kinuha ko tong payong mo. Dahil sa kinuha ko ang first kiss mo..."
"Iyo na ako." Sabi nya tsaka nag umpisang mag lakad.
"Susunduin kita mamaya dyan." Sabi nya sakin at kumaway.
----
OneCuteCAT
Oh yeah! Wassup? Merry Christmas and Happy new year hahahahappy balentyms dey xD *nag pasabog ng plapla* xD tagal bago ako naka pag update ulit. Madaming pinag daanan choss. Ienjoy nyo ang fluffy at kilig kilig sung na moments nato xD kasi sa susunod wala na. De joke lang hahaha. Lalo pa't namatay si Han Sung sa Hwarang! HWARANG POREBER TALAGA!!! SYA NA ENJOYYY READING
BINABASA MO ANG
Hi! Classmate
Short Story♥Collection ng School life One Shot Stories.♥ Sa Classroom nagumpisa akong nagkacrush. Natuto ng hindi lang academics kundi pati kung paano magpapansin kay crush, maging close kay crush, maging inspiration si Crush. Magkaroon ng friends, best fr...