A/N: please read Chapter: "Say Yes!" para sa prequel. Pero pwede rin siyang stand alone story.
Question: para saan ang valentine's day?
Answer: para maalala mo na single ka pa!!!!
"Magdate na tayo. Just say yes."
Kanina pa niya ako sinusundan. Ang Leon na di magiba. Campus heart throb. Hindi ko talaga maintindihan bakit ako pa ang nakakuha ng atensyon niya. Huminto ako sa paglalakad.
"I don't really understand. Hindi naman ako maganda, hindi naman ako sobrang matalino, hindi naman ako sikat, I'm your everyday girl. The kind you see everywhere so bakit ako ang gusto mong idate?" Tanong ko.
"I don't really understand. mabait naman ako, matalino, mayaman, gwapo, gwapo at napaka gwapo! Pero bat ayaw mo ako idate?" Balik tanong niya saken.
"I don't like handsome guys, I'm not really a fan of campus heart throbs, I don't like narcissist people and I hate playboys. Gaya mo." I pointed out.
"Sasaktan mo lang ang isang average girl na gaya ko." I continued frankly speaking. "Kahit kelan hindi kita idedate." Pagtatapos ko.
Nagtitigan kami saglit bago ako nagpatuloy maglakad.
"How about friends then?" Pahabol niya. Huminto ako ulit. Lilingunin ko sana siya para sabihin diretsuhan na I don't want to have anything to do with his kind pero ng lingunin ko siya, hindi ko maintindihan pero parang malungkot ang expression niya kahit nakita kong nakangiti siya.
"Can we be friends? Just friends." Ulit niya.
I feel a sudden guilt sa ilang ulit kong pagrereject sa kanya. Kainis naman kasi bakit bigla nalang siyang umamong parang tupa?
"O-okay then. Friends." Pagsang ayon ko naman. Nakita ko ang liwanag sa mga mata niya.
"Then you'll go out with me." Masayang sabi niya.
"Ha?" Naguluhan ako.
"Where do you want to go? Treat ko." Sabi niya.
"Wait. Sa pagkakaalam ko, sumang ayon ako na maging friends tayo. Hindi makipagdate sayo." Sabi ko.
"Who said it's a date? Ang sabi ko lang ittreat kita. Don't you go out with your friends?" Pageexplain ba yun or palusot?
"Don't tell me inaantay mo na pilitin kita ulit? We're you just playing hard to get?" Ansabe?!! I was speechless! Itong narcissist na ito!
"Bat di nalang kaya tayo kumain?" Yaya ko. "Sa tingin ko gutom lang yan kaya mas lalong tumataas ang level ng pagiging narcissist mo." sabay lakad. Sinundan naman niya ako.
Kumakain na kami sa Cafe Juan ng marealize ko na napasama niya ako sa kanya na kumain. Humigop ako ng juice ng mapatingin sa kanya. Duon ko lang narealize na all this time nakatitig siya saken at nakangiti. Nagkrus ang linya ng mga mata namin.
"What?" Tanong ko.
"Iniisip ko kung ano bang iniisip mo." Sagot niya.
"Ha?" Naguluhan ako.
"Most girls ako lang ang titignan pag nasa harap na nila ako pero parang simula ng umupo tayo, nasa ibang lugar ang isip mo." Sabi niya. Well, mukhang observant siya.
"Meron akong sudden reflection kung ano bang mga ginawa ko sa buhay ko at bakit ako ang tinatarget mo ngayon." Sabi ko.
Nakita kong nabura ang ngiti niya.
"Do you hate me that much?" Tanong niya na kinagulat ko naman.
"H-hindi naman sa..." alanganing umpisa ko. Nakita kong napatingin siya sa labas at nag-iba ang expression. Kumunot ang noo niya. Kaya naman napatingin rin ako. Maraming estudyante, meron kasing nagtapat na guy na nakaluhod at may dala pang bouquet of red roses. Sa tingin ko kasama niya ang ibang lalake na may hawak na mga heart balloon na may letters para buuin ang name nung girl. Napangiti ako. Ang dami talagang sumasamantala sa Valentines. Sa likod ng salamin ng cafe, narinig ko ang pagchecheer ng mga estudyante na magkiss ang couple. Medyo kinilig ako sa kanila pero nawala yun ng maramdaman kong tumayo mula sa upuan si Leon.
BINABASA MO ANG
Hi! Classmate
Historia Corta♥Collection ng School life One Shot Stories.♥ Sa Classroom nagumpisa akong nagkacrush. Natuto ng hindi lang academics kundi pati kung paano magpapansin kay crush, maging close kay crush, maging inspiration si Crush. Magkaroon ng friends, best fr...