Lasang Chocomani

133 7 6
                                        




Tuesday POV

Maliban sa first love, hindi ba mas exciting ang first kiss?

Ikaw? Anong lasa ng first kiss mo?


Nangako ako sa sarili ko, na ang magiging first kiss ko ay ang first and last love ko!





Nasa dulo ako ng pagtulog. Yung pakiramdam na parang half-conscious ka.

Totoo nga ang sabi nila.

Kapag nakapikit, mas lumalakas ang ibang senses natin.

Mas lumalakas ang pakiramdam, amoy at pandinig ko habang nakapikit.

Naramdaman ko ang pag-ihip ng hangin. Masarap sa pakiramdam. Naririnig ko ng kaunti ang music na pinapatugtog mula sa malayo. Ganoon rin ang mga maliliit na boses ng mga classmate ko. Ang kalawang na amoy ng upuan...

Komportable ang pakiramdam ko.

Naririnig ko ang mga hakbang na nagpapabalik-balik.

Ilang palakpak.

Ilang pitik.

At isang malambot na bagay.

Amoy ng hininga.

Dalawang beses na marahang pagdampi sa labi ko.

Iyon ang first kiss ko.

Lasang chocomani.





"Ha? Sino?" intrigang tanong ni Shirley, bestfriend ko.

Hindi ako agad sumagot at nagtitigan kami saglit.

"H-hindi ko alam." Sagot ko na ikinagulat niya.

"Ha?!!"

"Pano kasi masyadong mabilis ang pangyayare! Naramdaman ko nalang bigla na may dumampi sa lips ko tapos hindi ko alam kung dapat ba akong dumilat o hindi." Pageexplain ko.

"Atsaka naisip ko, pano kung hindi ko siya gusto napaka awkward nun kaya... kaya... hindi ako dumilat." Dugtong ko.

"Eh anong balak mo? Pano natin malalaman kung sino yung may gusto sayo?" sabi naman niya saken.

"Uhm lasang chocomani?" Alanganing sagot ko na nagpacute pa.

"Kung ganon maghahanap tayo ng mahilig kumain ng chocomani? Ganun? Sabihin mo nga saken, isang tao lang ba ang mahilig sa chocomani?" Inis na sabi niya na parang handa na akong batukan.

Eh kasi naman noh!

Nakakalito talaga! >.<





Uhmm pero sino nga kaya ang humalik saken?





Habang nagkaklase, wala akong nasa isip kundi kung sino ang humalik saken ng araw na iyon.

Lumingon ako sa likuran para silipin si crush.

Nasa pinaka-harap kasi ako naka-upo, siya naman sa pinaka likod.


Hmm.. hindi kaya siya?

Siyempre alam ko naman na napaka imposible nun.

Echusera lang.


"Oh? Bat tinitignan mo na naman ako?" singit saken ni August.

Siya kasi ang unang tao sa likod ng upuan ko.

Excuse me! Si crush ang tinitignan ko!

"Hindi ikaw ang tinitignan ko." Sabi ko.

"Sus, alam ko namang ako ang crush mo eh." Diretsong sabi niya.

"Excuse me! Hindi kaya ikaw!" grabe, gusto ko tuloy burahin ang august sa kalendaryo. Na be-beast mode ako sa kanya! >.<

Hi! ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon