Naaalala ko pa. Maraming nangyare at marami kaming pinagdaanan. Masungit siya at sensitive na tao.
Nagulat ako ng makitang sampalin ni Papa si Kuya. "Get out of my house!" sigaw ni Papa. Kahit napapaiyak, hindi tumulo ang luha ni kuya. Kinagat niya ang labi niya sa galit tsaka dumiretsong lumabas ng bahay. Tumakbo ako para sundan siya.
"Kuya, wag kang umalis." Pagpigil ko sa kanya habang nakakapit sa braso niya. Hindi mapigilan ang luhang tuloy tuloy na umaagos sa aking pisngi. Huminto siya para lingonin ako. "Sorry, Jun."
Dahilan iyon para magkalayo kami. Iniwan niya akong mag-isa sa loob ng bahay na wala akong kakampi. Pero hindi naman naging huli ang lahat at bumalik siya.
"Hindi mo dapat ako iniwan nun. Sana sinama mo ako. Gusto kong sumama sayo nun kuya!" umiiyak at galit na sumbat ko sa kanya ng makita siya sa school. Niyakap niya ako.
"I'm sorry Jun. Masyado akong selfish at hindi kita inisip noong time na iyon. Pero nandito na ko. I'm sorry..." paghagod niya sa likod ko para patahanin ako.
Para saken, bumalik siya sa bahay kahit na nangangahulugan iyon na kailangan niyang mamuhay ulit under ng pamamalakad at control ng Papa namin.
Hindi siya magaling sa mga salita pero ang totoo may side na sweet siya at nahihiya lang na ipakita ang totoong nararamdaman niya.
Maraming pagkakataon na parang kami lang ang magkakampi. Kaya naman kahit walang salita, alam kong nasa side ko siya at gusto kong maramdaman niyang nasa side rin niya ako.
Masyadong complicated... ang ugali ng Kuya ko.
Ngayon, nakatingin ako sa kanya na mag-isang kumakain sa isang table sa canteen. Mukhang nag-alanganin na naman siyang makisabay na kumain sa mga classmate niya. Naiintindihan kong transfer student siya at irregular siya pero isa rin iyong dahilan para siya dapat ang mag take ng initiative na makipagsocialize. Kaso mukhang mas busy siya sa pagiging anti-social as usual.
Nagulat ako ng makita ang grupo ng tatlong babae na lumapit sa kanya at naupo sa table niya. Classmate niya siguro. First year college siya kaya naman naiintindihan ko na malakas magparamdam ang mga babaeng may gusto sa kanya dahil iniisip mas malaki ang chance dahil wala pa siyang gaanong kilala. Pero hindi nila alam na wrong move sila.
Napatitig si Kuya sa kanila na napahinto sa paginom ng energy drink niya. Nakita kong sumagot siya saglit tsaka umiwas ng tingin.
"1... 2... 3—" kasabay ng pagtapos ng bilang ko, nakita kong tumayo si Kuya at nagpaalam sa mga babae na mauuna na.
Hindi ko alam kung anong dahilan. Pero mahiyain sa babae si Kuya at most of the time hindi alam kung paano makipag usap. Ang ending tuloy nasusupladahan niya sila. Nagaalala tuloy ako, sana naman meron siyang kahit isang taong makasundo sa college life niya.
"Anong binibilang mo? Oracion? May balak ka? Ano yun? Para san?" sunod sunod na tanong ni Gary na kasabay kong kumakain sa canteen, excited.
"Mukhang kalian ko ng tulungan ang kuya ko." Sagot ko naman.
"Si Kuya Jan? San niya kailangan ng tulong? Tara." Desididong suporta niya na hinila ako kaagad para sundan si kuya.
"Kuya Jan!" tawag ni Gary kahit medyo malayo pa kami. Agad naman ang lingon ni kuya.
"San ang punta mo? Magisa ka lang? Samahan ka na namin." Masigla na tanong na may kasabay na sagot na ni Gary ng makalapit kami kay kuya. Kita ko namang hindi na nakapagreact si kuya at sabay sabay na kami naglakad.
"Kuya Jan kamusta ang pagtransfer mo? Marami ka ng kilala? Irreg ka diba? Balita ko mahirap daw maging irreg... Kung wala kang kasama puntahan mo lang kami." Tuloy tuloy na pagkausap ni Gary kay kuya.
BINABASA MO ANG
Hi! Classmate
Historia Corta♥Collection ng School life One Shot Stories.♥ Sa Classroom nagumpisa akong nagkacrush. Natuto ng hindi lang academics kundi pati kung paano magpapansin kay crush, maging close kay crush, maging inspiration si Crush. Magkaroon ng friends, best fr...