Prutos (PART I)

55 2 1
                                        




Jasmine's POV

Naglalakad na ako pauwi, galing school. Nasa lubong ko nga si Calma, kasama si Wendy. Ang cute nga nilang tignan eh... napa buntong hininga ako. Binilisan kona yung pag lalakad gagabihin na kasi ako eh.

Pag dating ko sa bahay, tumambad sakin ang magulong sala. Mag isa lang ako sa bahay, dinadalaw-dalaw lang ako ni ate dito pag wala syang pasok. May pamilya na din kasi sya, si mama at papa nasa ibang bansa. Okey lang naman ako sa ganto.

Mag isa ako sa bahay, kasama ang alaga kong pusa. Na kamakaylan lang eh, nawawala. Pag nalaman ko kung sino ang nag nakaw sakanya. Isasampal ko sakanya tong sapatos ko!!! Bwisit sya!

Nag luto na ako nang kakainin ko, habang niluluto ang noodles eh. Nag punta ako sa sala para ayosin yung mga papel ko doon na pakalat kalat.

"nako nak! Hahagisan ka nang posporo dyan. Sunog ka kaagad." Sabi ni mama habang ka-video call ko sya.

"nililinis kona nga po eh. Sige na ma tulog kana, alam kong may pasok ka pa po bukas. Ingat po kayo ni papa." – sabi ko. Nag babye na si mama.

Kumain na ako, tapos ginawa yung assignment ko. Tapos natulog na ako,

"Jasmin!!!" – lumingon ako, kumapit naman sya agad sa braso ko. "Alamo mo Ros! Bago ko makalimutan na lalake ka bumitaw ka nga sakin!" – bulyaw ko sakanya.

"tsk. Sungit, don't put malice kasi." – sabi nya sakin.

"anong don't put, don't put! Kahit na pinsan kita—" – inabutan nya ako ng panyo.

"anong gagawin ko dyan?" – tanong ko sakanya, nginuso nya yung nasa may balete tree. Nakita ko si Calma kasama si Wendy.

"masakit ba? Naiintindihan kita. Kong ako BAKLA ZONE kay Loisiana, ikaw naman eh seating arrangement zone." Kinamot ko yung ulo ko.

"gusto mo bang ma hukay zone?" – sabi ko sakanya.

"eto naman nag bibiro lang naman ako eh." – sabi nya.

Oo na aamin na ako, may crush ako kay Calma kaso mukhang mag kakaroon na sya nang FOREVER nya. Ayos lang naman sakin, sino ba naman ako?

"oy! Jas eto na yung assignment, ipakopya muna lang din sa mga wala pa." oo ako ang number 1 sa mga pinapakopya nya lalo na subject na chemistry. Binalik ko sakanya yung papel. "gumawa ako nang assignment ko ngayon hindi muna ako kelangan pang pakopyahin simula ngayon." – sabi ko sakanya. Ngumiti naman sya.

"hayyyy nako mabuti naman at hindi kana kokopya isa sa magandang disisyon yan." Sabi nya tsaka pinamigay sa iba yung papel na hawak nya. "maagang NEW YEAR's RESOLUTION yang ginawa mo ah." Natatawang sabi nya.

Akala nya ba desisyon yun?! Isa sa mga malaking kalokohan na narinig ko, ibig sabihin nun mag momove on na ako HINDI KO NA SYA CRUSH! All caps para intense.

"masakit." – herros.

"ramdam kita." – Loisiana.

"oh ayan PRUTOS ka muna." – sabi ni Herros.

"tara na par' hanap tayo nang makakain natin." – sabi ni Loisiana sa pinsan ko sabay akbay pa.

"alam mo ikaw, sa lahat nang TOMBOY pagkain ang hinahanting mo imbis na mga chikas." – pag rereklamo ng pinsan ko.

"mabubusog ako sa pag mamahal ng foods." – sabi ni Loisiana.

Dismissal

Kinain ko yung prutos na binigay sakin ni Loisiana. Naalala ko tuloy yung crush ko noon nung elementary. Nasaan na kaya sya? Baka may lovelife na din yun. Gwapo kasi sya eh, matangkad, maputi, matalino at RK. Ang hirap ng sitwasyon ko ah, katabi ko lang yung crush ko. Makapag move on kaya ako?

Napasinghot tuloy ako nang sipon, kasi naalala ko noon.

"crush mo ko? Pano yan, hindi kita crush."

"pero pahingi ako ng prutos, di kaya piso."

Ang saklap talaga nang buhay pag ibig ko. Isusubo kona sana yung prutos ko nang agawin sakin ito. Sabay kapit pa sa braso ko halos matulak ko sya mabilis akong lumayo sakanya.

"hello, naalala mo pa ako?" – tanong nya sakin nan aka ngiti.

"ha?" kunot noo kong sagot.

"ako to." – sabi nya sakin, oo kilalang kilala kita ikaw si Antonio Luna, Ligaw! Ang lalakeng mahilig manghingi nang piso at mang agaw ng prutos.

"hindi na ganong masarap yung prutos ngayon noh?" – tanong nya sakin.

"bitawan mo nga ako." Tsaka ko sya tinulak.

"hindi muna ako kilala?" – sabi nya.

"wala akong amnesia! Kilala kita imposible kitang makalimutan!" bigla nya naman akong niyakap.

"sige aalis na ako. Mag kikita tayo ulit" – sabi nya tsaka tumakbo pa layo sakin.

Pag dating ko sa bahay, tinignan ko yung BOX kona may isang damakmak na balat nang PRUTOS. Medyo weird noh? Pero sa tuwing nang hihingi sya ng prutos o ninanakawan nya ko ng prutos hinihingi ko yung balat tapos tinatago ko. Pag mag momoveon na ako sinusunog ko. Parang itong mga kopya nang handwritten ni Calma itatapon kona.

Mag MOMOVE ON NA AKO!

--

OneCuteCat

P


Hi! ClassmateMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon