Ako lang ba ang nakaranas nito? Siguro naman hindi diba? Okay sige feeling ko hindi naman ako nag iisa sa mundong ibabaw na nararanasan ang pangyayare kung saan sa dami ng populasyon ng bansang Pilipinas hindi maiwasan na may kapanganlan ka— oh you know what's worst that sharing a name with someone? That was sharing your surname to an opposite sex.
Opo— may ka apilido ako sa klase namin. Sa kisanamaang palad din— simula grade 3 magkaklase na kami hanggang ngayon na grade 10! Like hello mga teh? Sawang sawa na ako sa pag mumukha niya! Imbyernang imbyerna na ako!
"Yas! Teka lang naman hin—hintay!" Hingal na sabi ni Jasmin na secretary namin. Lumingon ako sakanya—
"Kanina pa tayo paikot ikot dito sa buong campus pero wala talaga siya e. Nadaanan ko ang mga pabebe boys ang sabi nila sakin mag papagupit daw ito." Sabi sakin ni Jasmin na hinahabol pa ang hininga naka taas kilay pa din ako.
Sinong hindi maiinis sa taong yon— maliban sa pareho na kami ng apilido, kailangan parati kang naka buntot sakanya kung hindi masisira reputasyones ng section namin.
"Correction, paBAE boys— like we are baes." Hindi ko alam kung saan siya lumusot pero eto na siya— ang presidente namin na ungas— tinignan niya ako at kinindatan. "Namiss ba ako ng yassieeminiee ko?" Tanong nito sa malanding boses niya— tinanggal ko ang sapatos ko tsaka siya binato— umiwas naman siya. Nakakainis! Nasabi ko ba na naiinis ako sakanya? Kung hindi pa— oo naiinis ako sakanya! Biroin niyo naman kasi ang gwapo niya kahit nambbwesit lang siya! Joke— hindi siya gwapo may itsura lang.
"So aggressive naman, Yassie ko." Tsaka kinuha ang sapatos ko at binalik niya sa akin.
"David." Sabay kaming humarap na dalawa— guidance counselor namin.
"Ah— ikaw mister David. Si misis David pwede na siyang umakyat uli sa klase niyo." Tinignan ko ang guidance counselor namin at binigyan siya ng ngiting pilit. "Miss David po." Pag cocorrect ko sakanya.
"Sorry sir, sungit ang bibi ko today. Red days ba." Sabi ng Alien sinamaan ko naman siya ng tingin. Bumalik na kami ni Jas sa klase namin.
"Nabasa mo ba yung sa may bulletin board?" Tanong ni Mila sakin pag pasok niya sa loob ng klase namin. Habang ako naman ay nag aayos ng mga hand-outs namin.
"Ha? Anong meron?" Tanong ko sakanya. "Well, kasi sabi meron daw out reach ang per president and vice-president ng klase." Pag eexplain nito. "At alam mo ba ano ibig sabihin nun?" Sabi niya sakin.
"Ibig sabihin nun pwedeng ma build up na— like getting to know each other." Pag explain niya.
"Hindi ako na orient na isa ka na sa ini love team ako sakanya." Sagot ko naman sakanya.
"Hm... bakit hindi e mukhang kayong dalawa na lang may hindi alam na gusto niyo ang isa't isa e." Sagot naman ni Mila tsaka umupo sa pwesto niya.
"Mila! Jusko— huwag mong sabihin yan! Masama yan! Don't say bad words okay!" Sabi ko sakanya. Like — ako? May gusto sakanya? No way? Tas isa pa nililigawan niya si Jas— like? Ano ako third party? No way.
"Andiyan po ba si David?" Tanong ng isang grade 7 sa may pinto hinintay ko naman na sabihin niya pangalan bago ako tumayo.
"Yung misis daw po ni mister David." Napa pikit ako at eye roll sa likod ng talukap ko. Tumayo ako— "Miss David." Sabi ko sakanya ng may diin at pag babanta.
"Ay— ah... kasi po pinapatawag kayo ni ma'am Timbang." Sabi niya sakin, pumunta ako sa faculty habang nag lalakad ako papunta sa faculty namin may narinig akong pamilyar na boses.
"Jusko Alein— nandidiri na ako sa kakadikit mo sakin. Tsaka alam mo baka nag seselos na din talaga siya kaso di niya lang masabi. Tsaka bat ba hindi ka na lang din umamin." Hindi gaanong narinig gawa ng mga dumaan na estudyante at nag ring din ang bell hudyat na lunch break na pero sumilip na din ako kung sino ang kausap ni Alein.
BINABASA MO ANG
Hi! Classmate
Historia Corta♥Collection ng School life One Shot Stories.♥ Sa Classroom nagumpisa akong nagkacrush. Natuto ng hindi lang academics kundi pati kung paano magpapansin kay crush, maging close kay crush, maging inspiration si Crush. Magkaroon ng friends, best fr...