Sabay sabay ang sigawan ng tao ng marinig ang pamilyar na intro ng banda. Kasabay non, naipit sa dami ng tao si Gale na gusto lamang sana ay makiraan para sana makapunta sa Restroom area ng concert.
Nabunggo siya sa lalakeng nakaharang.
"Sorry, ayaw na nilang umusog." Narinig niyang hinging tawad nito na hindi na sila umuusad sa likod. Kaya naman napahinto siya sa tabi nito. "Patapusin nalang siguro natin ang isang kanta." Suggestion nito na pinakinggan niya. Naramdaman niyang gumilid ito para magkaroon siya ng space. Gentleman naisip niya.
Gumaganda ang paligid
Kung bawat tao ay puno ng pagibig
Napapawi ang pighati
Masilayan lang ang iyong ngiti
O kay gandang isipin
Ang isang mundong puno ng pag-ibig
Narinig niya ang magandang boses nito na sumabay sa kanta. Napangiti siya. Hindi ganon na kagwapuhan ang lalake pero may itsura siya na tama lang matawag na tipo niya.
Sa pagsabay ng mga tao sa kanta at marahan na pagatras niya para mapadikit at mapasandal sa balikat nito ay may dating. Mainit sa pakiramdam kahit na open area ang concert.
Hanggang sa nakisabay narin siya sa kanta.
Pag-ibig nga ang susi
Nararapat lang ibahagi
Hindi niya maiwasang mapalingon sa tabi niya at nagkasalubong ang tingin nila ng lalaki dahil nakatingin rin ito sa kanya. Parehas silang napangiti habang sumasabay sa kanta.
Natapos ang kanta at sabay silang umusad sa pila para makiraan papuntang restroom area. Dahil nauuna ang lalaki sa kanya, nakita niya kung paano ito gumawa ng daan para makadaan din siya.
Ng makarating sa restroom area, naghiwalay sila ng pila pero nasa tamang distansya lang para makita nila ang isa't-isa. Alanganin at mahinhin ang paglingon at pagsilip ni Gale sa lalaki na hindi pa niya nalalaman ang ngalan. Ilang beses din na nahuli niyang nakatingin ito sa kanya. Palihim tuloy siyang napapangiti dahil dito.
Nauna itong pumasok sa banyo na ikinadismaya niya dahil ibig sabihin mauuna itong lalabas sa kanya at mukhang dito na matatapos ang tagpo nila. Naisip nalang niya habang umiihi na ang ganda sana kung magkakilala man lang sila at makatagpo siya ng love life sa event na ito. Pero siyempre hindi naman parating sumasang ayon si tadhana kaya sino siya para umasa?
Dahil sa kilig at iniisip niya, nakaraos siya kahit amoy mapanghi ang restroom. Lumabas na siya at nakiraan sa mga nakapila pa, iniisip at hinahanap ang daan pabalik. Palingon lingon siya at nakita ang lalaki kaninang nakasabay niya.
"Dito pabalik sa lugar natin kanina." Tawag nito. Hindi niya maiwasang mapangiti at sumunod sa lalaki.
"Thank you." Pasalamat niya habang sumusunod.
Hanggang sa maipit sila ulit sa mga tao ng magsimula ang sunod na kanta. Nabungo siya sa likod ng lalaki. "Sorry." Hinging tawad niya na medyo napahawak sa likod nito.
"Mukhang kailangan muna natin ulit patapusin ang kanta." Dahil sa maingay kinailangan nitong lumapit sa kanya para mas marinig niya ang sinasabi nito. May naramdaman siyang kiliti at napangiti tsaka tumango. "Mukha nga." Pagsang ayon niya.
Magkalapit silang tumayo sa pwesto na iyon. Gusto niyang malaman ang pangalan ng lalaki pero parang ang awkward naman ata kung siya ang magfirst move at magtatanong ng pangalan nito.
"Doon rin ba nakapwesto ang mga kasama mo?" umpisa ni Gale ng topic.
Tumango naman ang lalaki. "Oo. Medyo nasa unahan sila." Sagot nito na lumapit sa kanya para magkarinigan sila. "Iyong mga kasama mo?" tanong naman nito para magpatuloy ang usapan.
BINABASA MO ANG
Hi! Classmate
Historia Corta♥Collection ng School life One Shot Stories.♥ Sa Classroom nagumpisa akong nagkacrush. Natuto ng hindi lang academics kundi pati kung paano magpapansin kay crush, maging close kay crush, maging inspiration si Crush. Magkaroon ng friends, best fr...