A/N: Second part ito ng Karma, please basahin niyo ang nauna para maintindihan niyo...Heavenly Love POV
"Oo gusto ko siya! Ano bang pake niyo?!" sabi ni Jean.
Siya ang kaibigan ko. Pero sa totoo lang crush ko rin siya.
Hindi ko mapigilang mapangiti nung nagkatinginan kami dahil sa saya na crush pala namin ang isa't-isa.
Ano kayang sasabihin niya pag nalaman niyang crush ko rin siya?
"Je—" nakita kong bigla nalang siyang tumakbo palabas ng room. Nahiya kaya siya?
Nagtutuksuhan parin ang mga classmate namin.
"Gusto ko rin kaya si Jean!" pasigaw na sabi ko sa kanila. Natahimik sila.
"Gusto mo rin siya?" excited na tanong ng kaibigan kong babae.
"Uuyy merong magsyota dito!!" pagtutukso ng iba.
Nahiya ako at medyo nag-alala dahil sigurado bukas tutuksuhin kami ni Jean.
Pero yung bukas na yun, hindi dumating. Nagdrop out si Jean at umalis. Walang ibang sinabi ang teacher namin.
Naiyak ako. Hindi ko man lang nasabi na gusto ko rin siya.
First year senior highschool na ako ngayon, nagulat ako ng merong mabalitaang transferee na ang pangalan ay Jean Pierre. Sumilip ako sa room nila pero ng makita ko siya, ang laki ng pinagbago niya. Sobrang gwapo na niya at ang cool pa. Sa tingin ko hindi na niya ako mapapansin at ang malala baka hindi na niya ako naaalala.
"Anong kailangan nila?" napatingin ako sa nagtanong. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Jean.
"Ah—" nautal ako.
"Teka... ikaw yung naging kaklase ko nung grade 6 di ba? Heavenly Love?" naalala niya ako.
Masaya ako dahil naging magkaibigan kami ulit.
"Pero bakit Lily ang tawag mo saken?" tanong ko.
"Pwede mo naman akong tawaging 'love' gaya ng tawag mo saken dati." Dugtong ko.
"Kung tatawagin kitang 'love' baka mamisunderstood ng iba lalo na hindi naman tayo magkaklase, hindi alam ng classmates ko ang name mo." Sagot niya. Sa tingin ko may point nga siya dun.
Dumating ang araw na nagkalakas ako ng loob na magtapat sa kanya. Sobrang saya ko naman ng sagutin niya ako. Hanggang ngayon, gusto parin pala niya ako.
"Pwede mo na akong tawagin sa pangalan kong love, hindi na nila mamimisunderstand kasi tayo na." sabi ko.
"Pero nasanay na akong tawagin kang Lily." Sabi naman niya kaya wala na akong nagawa.
Sa totoo lang hindi ko inakala na may pagkapossessive si Jean. To the point na hindi na ako masaya sa relationship namin. Ni minsan, hindi ko narinig na sinabi niya na mahal o gusto niya ako.
Para hindi na ako masaktan at hindi ko na isipin na napipilitan lang siya, ako na mismo ang nakipagbreak sa kanya.
Kinabukasan, sa loob ng classroom; St.John.
"Thanks and sorry kahapon Sez." Sabi ko sa katabi ko.
Naiyak kasi ako kahapon, kinomfort naman niya ako sa pagyakap saken.
"Enriquez, Storm?" roll-call ng teacher namin.
"Present." Sabi ni Sez tsaka siya bumaling saken.
BINABASA MO ANG
Hi! Classmate
Short Story♥Collection ng School life One Shot Stories.♥ Sa Classroom nagumpisa akong nagkacrush. Natuto ng hindi lang academics kundi pati kung paano magpapansin kay crush, maging close kay crush, maging inspiration si Crush. Magkaroon ng friends, best fr...