"Sir Ang hangin mo!" bati saken ng isang mukhang lalake sa igsi ng buhok pero naka-uniform ng pambabae. Siya si Louisiana. Kababata ko na estudyante ko ngayon. Substitute values education teacher kasi niya ako."Alam ko, sobrang cool ko kasi. Pasensya ka na, kung hindi ako hot, cool. Wala akong magawa inborn kasi eh." Excuse ko.
"Values pa man din ang tinuturo mo, hindi kaya nagkamali ka ng subject na kinuha?" sabi niya.
"Alam ko inggit ka lang kasi sikat ako sa mga girls." Sabay na akbay ko sa kanya.
"Reminder lang, teacher ka dito. Isa pa, sabi ko wag mong papakitang close tayo dito sa school!" pagaalis niya sa braso ko.
"Umayos ka! At wag mo akong tatawaging Ana! Tawagin mo akong Loui. Loui ha!" banta sabay suntok niya sa braso ko bago siya umalis.
Yup. Tomboy siya.
"Guevarra, Louisiana?" pagroroll-call ko.
"Present!" sagot niya sabay taas ng kamay. Tinignan ko siya at nakita kong nakadoble siya. Sinuot niya pang-ilalim ang jogging pants nila.
"The last time I check, values education ang tinuturo ko hindi P.E." sabi ko sa kany ng nakangiti.
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Ganyan talaga si Loui, sir Anghelo." Pagiinform saken ng isang student na babae.
"But this is a values education subject. How can I teach the whole class when I can't even discipline one?" katwiran ko.
"Woooh. Umayos ka daw Loui." Bati ng isang lalake sa kanya.
"I'll give you three minutes para pumunta ng CR at alisin ang jogging pants mo... Ana." Sabi ko. Gulat siya ng tawagin ko siyang Ana. Wala naman siyang nagawa at tumayo na mula sa upuan niya.
"Ana? Ahaha" bulong-bulongan ng iba.
"Yes sir..." mahina at napipilitang sagot niya.
Lumabas siya ng room at ng nasa malayo sinenyasan niya ako gamit ang kamao niya. Natawa lang ako. Tinapos ko na ang roll-call.
"Class get a sheet of one whole paper. May activity tayo." Sabi ko tsaka ako naupo at binuksan ang dala kong textbook. Maya-maya nagvibrate ang CP ko.
"Class I'll give you five minutes to read our next lesson while waiting for your other classmate." Sabi ko.
"Yes Sir." Sagot nila in chorus.
Sinilip ko ang CP ko. Text ni Loui.
Cnb ko n wag mo akong twaging Ana eh!!!!! >:(
Blisan mo, utos ng prinsipe. >:D reply ko.
Maya-maya dumating na siya ulit. Nakapagpalit na siya ng proper uniform.
"Kayo sir? Di ba single kayo?" tanong ng isang estudyanteng babae.
"Kailan niyo balak magkagirlfriend?" tanong pa ng isa.
"Maraming malulungkot na girls pagnagka girlfriend ako eh. Atsaka mas gusto kong tumitingin sa salamin." Sagot ko gamit ang killer smile ko. Napahiyaw naman sa kilig ang ibang girls.
Iba talaga pag ang dami mong fangirls. Hindi na ako magtataka kung meron na pala akong fanclub. Hehe
Lumingon naman ako sa direksyon ni Loui na parang nasusuka sa sinabi ko.
"Sige class. See you next week." Paalam ko bago tuluyang lumabas ng room.
Habang naglalakad, nakatanggap ako ng text. Galing kay Loui.
BINABASA MO ANG
Hi! Classmate
Short Story♥Collection ng School life One Shot Stories.♥ Sa Classroom nagumpisa akong nagkacrush. Natuto ng hindi lang academics kundi pati kung paano magpapansin kay crush, maging close kay crush, maging inspiration si Crush. Magkaroon ng friends, best fr...