jeepney lovestory: May Spark eh

52 4 1
                                    


Sumakay ako sa jeepney, at ikaw ang nakatabi...

Okey hindi ito katulad nang jeepney lovestory nyo, na sumakay kayo nahanap nyo na forever nyo.

Iba tong akin, aaminin ko crush ko sya. Pero na seating arrangement zone ako. Kilala nya lang ako dahil sa seating arrangement namin sa room. Pag nasa labas na... Hindi na nya ako kilala. Yun ang seating arrangement zone, mabuti na siguro yun kesa naman sa #ColumbiaZone ako diba 3 minutes and 48 seconds nya lang ako kilala. Mabuti pa sa seating arrangement apat na subject namin seating arramgement ang gamit kaya swerte na din ako.

Sumakay nako ng jeep, nung una ako lang mag isa. May sumakay na estudyante babae, napatingin ako sa orasan ko. 6:38 pa lang naman ng umaga eh, bat pag kakapalkapal ng lipistick ni ateng. Tataa? Sa school ba ang punta o sa part time job?

May sumakay ulit, couple naman ngayon. Hindi naman color red yung jeep para mapag kamalang SOGO toh. Ang aga aga maka PDA lakas maka bad vibes.

May mga sumakay naman na grupo ng lalake. Yung isa nakatakip ng panyo ang kalahating mukha nya, yung isa ang kapal ng pulbo, yung isa mukhang ewan. Hayyy ~~

Manong driver wag munang ibalik ang sukli ko~~

Manong driver pakibilisan ang oag ddrive bago ko pa ilaglag mga nakasakay dito.

May sumakay ulit, nag liliwanag sya, ang gwapo nya, puti ang uniform, matangkad, maputi, singkit ang mata, mabango, amoy tao, at tao sya talaga. Tumabi sya sakin, jusko EM bat ang gwapo mo?

Biglang pumereno ang jeep... Halos mag ka height kami.

Biglang pumereno ang jeep... Dahil sa nakatingin ako sakanya, nahalikan ko ang pisngi nya na mabilis din namang nawala ang dikit ng pisngi ko pero tinitigan nya ako. Mabuti't mahaba ang bangs ko, naka yuko lang ako.

"Yan! Hokage pa more." Sabi ni Yas, yung bise presidente namin na masarap sapakin.

"Alam mo hindi ka nakakatulong. Anong gagawin ko? Pano kung na feel nya yung lips ko sa cheeks nya?" Tanong ko sakanya.

"Hindi ko alam wala akong alam dyan." Sagot nya habang nag wawalis ng room namim, sya pa lang kasi sa room ng makarating ako. Dumiretso kasi ng canteen si EM.

Biglang pumasok si EM. Nakatingin sya sakin, nakilala nya kaya ako? Sana hindi.

"Lei?" Tawag nya, jusko.

"Ama namin sumasalangit ka samabahin ang ngalan mo. Please po lord sana hindi nya po ako--" naputol yung panalangin ko nang hawakan nya yung pisngi ko gamit ang dalawa nyang kamay.

"Paturo ako sa chemistry." Sabi nya sakin. Nakalimutan ko kayong iorient. Magaling ako sa chemistry mahina naman sya dun. Kaya may chemistry kami hahahahaha.

"Naman HOKAGE pa more noh?!" Bati sakin ni Alein oo ang aming kasuklam suklam na presidente.

"Manahimik ka nga! Paano kung nakilala nya ako?" Tanong ko sakanilang dalawa. Oo mag kasama sila ni Yas malamang may poreber ata sila.

"Sa tingin ko OO naalala ka nya hindi nya lang masabi sayo." Sagot ni Yas.

"Nako, misis ko hindi yan totoo. Montanga lvl. 9999 si EM partida sa pag kamanhid naman lvl. 9998 pa lang. For sure hindi nya na feel yun, baka nga akala nya langaw lang dumapo sa--"

*pak* *pak* sabay naming pag sapok sakanya.

"Hindi ka nakakatulong eh!" Sabi ni Yas

"Kala mo sa labi ko langaw?" Dagdag ko sa sinabi ni Yas.

"Eyyy~~~ sorry okey. Eto na seryoso na ako, nafeel nya yun for sure. Kasi may kuryenteng dadaloy sa kata--" *pak*

"Nakakadalawa kana ah! Totoo yun!" Sabi nya pa na ngumuso. Tumawa lang naman si Yas, ang cute ng couple nilang dalawa.

"Hindi ako poste para mag karoon ng spark." Sagot ko sakanilang dalawa.

"Slow lvl. 9999" sabay nilang sabi. Nilayasan kona silang dalawa.

After 1 week, maaga akong pumasok ngayon. Naka sakay na ako sa jeep, at HIMALA hindi matakaw sa pasahero ang nasakyan ko. Mag papamisa na ba ako? Biglang may sumakay napaatras tuloy ako sa pwesto ko na nasa dulo.

Dun naman sya umupo. Dumukot sya ng 100 pesos sa pitaka nya, teka nga BARYA LANG PO SA UMAGA.

"Pasuyo." Sabi nya sakin, tinignan ko muna sya. Tsaka iniabot ang bayad sa driver.

Biglang pumreno si Manong driver dahilan para may maramdamam akong, maliit na kuryente na dumampi sa pisngi ko. Hanggang sa maramdaman ko ang pamumula. Tinignan ko sya

"Quits?" Sabi nya sakin, nanlaki lang ang mga mata ko.

"Ha?" Nauutal ko pang sabi.

"Alam mo? Naramdaman mo yung nangyari last week?" Tanong ko sakanya.

"Oo may spark eh." Sabi nya.

"Para po." Sya.

"Baba na." Sabi nya sabay alalay sakin at hawak sa kamay ko hanggang sa maka tawid at makapasok kami sa classroom ng st. John.

Okey ako na ang may mahabang buhok.

Wag kayo kinikilig ako, this is what i called law of action and reaction. Syempre kung may action may reaction.

Hahahahahaha *nabaliw sa kilig*

--

Unholycat's corner

Okey pa RANT ako sandali ah xD
Grabe, nabobo ako kakahanap sa law of action and reaction na yan! Sa Newton's law ko lang pala sya mahahanap. *namundok*

OneRedCat


12.26.2015

Hi! ClassmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon