Milagrosa Capinpin, 15, section St. John.Taon taon problema nya 'to. Kung noon eh wala syang nagiging kaibigan— what more today? Madaldal naman sya, hindi lang talaga sya na-imik pag walang kausap, alanga naman dumaldal syang mag isa.
"Hi?" Bati ng isang lalake sakanya.
Naisip nya kasi pumili na lang ng upoan randomly at ang nakita nya ay ang dulong pwesto. Umupo sya— Hindi sya kumibo.
"Sunget." Sabi nito.
"Hello." Sagot ni Mila atsaka hindi na sya nilingon pa may maliit na ngiti ang nakita sa lalake bagay na hindi nakita ni Mila.
Lumipas ang araw nabigyan sila ng proper arrangement yung lalakeng bumati sakanya hindi pala iyon taga st. John naligaw lang pala ito.
Medyo may nakakausap na si Mila kahit papaano.
"Wala ka bang naging kaklase nung elementary ka dito na dito nag aaral?" Tanong ni Yasmine ang butihing president.
"Hm... wala e. Tsaka kung meron man ayaw nila akong kasama." Sagot ni Mila.
"Ay bakit naman?" Tanong ni Yasmine.
"Hindi kasi ako yung mga gusto nilang samahan." Sabi ni Mila.
"Grabe naman yon."
"May kasabay ka ba nag lalunch?" Tanong ni Yasmine sakanya.
"Ehhh? Love hexagon na pag sumama pa sya satin mag lunch my loves!" Pag ddrama ni Alein mula sa likod ni Yasmine.
"Wala akong pake! Basta sasabay satin si Mila." Mariin na sabi ni Yasmine.
Nag smile lang naman si Mila. "Hala ang kyut mo pala pag nag smile ka!" Sabi ni Yasmine... nawawala kasi mata nito pag nag smile crescent shape ang eyes pag ngumiti.
"May kasabay akong kumakain... kaso taga kabilang building pa sya." Sagot ni Mila.
"Ahh may friend ka na din pala... nakilala mo ba sa mga clubs natin dito?" Tanong ni Yasmine.
"Hindi eh... pero nagkamali lang sya ng papasokan na klase that time." Sabi ni Mila.
Lumipas ang araw madami dami na ding nakakausap si Mila. Nakikipag tawanan na din ito at nakiki halobilo. Salamat sa tulong ni Yasmine... pero kasabay nya pa din kumakain si Hennesy.
"Uyy hinihintay nya ako!" Pabirong sabi ni Hennesy.
"Sira hindi. Kakain na nga lang ako mag isa—" hinila nya ang braso nito.
"Joke lang kain na tayo." Sabi ni Hennesy.
"So kamusta naman araw mo? Ang daming ginawa ngayon noh? Alam mo ba na bagsak ako sa exam kanina ni ma'am baracuda!" Sunod sunod na litanya nito.
Tumawa si Mila. "Ay may nakakatawa ba na bagsak ako?" Tanong ni Hennesy.
"Wala pero napakadaldal mo." Sagot ni Mila.
Ngumuso si Hennesy— "eh para kasi mabreak na ang boundaries mo napaka tahimik mo pa din kasi. Mag dadalawang buwan na ata tayong sabay kumakain." Paliwanag ni Hennesy. "Ayaw mo ba akong maging kaibigan? Ayaw mo ba akong kausap?" Dagdag nito.
"Okay lang naman ako na nakikinig sayo e. Nakakatuwa ka nga e." Sabi ni Mila.
"Tsaka wala naman akong sinabi na ayaw kitang kausap e." Dagdag ni Mila...
"Mag kwento ka din! Ano nangyare sayo ngayon?" Tanong ni Hennesy.
"Hm... nag sulat lang kami kanina hindi kami binigyan ng exam ni maam baracuda." Sabi ni Mila— nahulog yung test paper ni Mila.
BINABASA MO ANG
Hi! Classmate
Short Story♥Collection ng School life One Shot Stories.♥ Sa Classroom nagumpisa akong nagkacrush. Natuto ng hindi lang academics kundi pati kung paano magpapansin kay crush, maging close kay crush, maging inspiration si Crush. Magkaroon ng friends, best fr...