Paikot ikot si Elle sa may bakanteng lote ng school nila. Hindi niya alam kung tama ba na mag confess siya ngayon? Pero last year na ni Rio sabi niya sa isip niya. "Mag coconfess lang ako." Sabi niya na kinakabahan.
Nakita niya si Rio na parating sa kinaroroonan niya. Inayos niya ang buhok niya, maging ang mga kamay niya na basa nang pawis... pakiramdam niya nag kakaroon ng el niño ang lalamunan niya sa kaba ngayon. Kinagat niya ang ibabang labi at umiling iling. "Wala nang atrasan." Sabi ni Elle.
Nang makatayo sa harapan niya si Rio, si Rio na president nang kanilang editorial club.
"What is it Elle? Malelate na tayo sa meeting natin." Sabi nito.
"Ano... kasi sumali ako sa editorial club for one reason." Elle started, tinignan siya ni Rio.
"M—may gusto kasi ako sayo." Sabi ni Ella na naka yuko.
"Kaya sumali ka sa editorial club? You know that having a relationship in our club is forbidden." Sabi nito sakanya na may awtoridad sa boses hindi mawari ni Elle kung ito ba ay rejection or the feeling is mutual.
"Pero sorry." Sunod na sabi nito.
"Ah— ano sana yayain lang kita para maging prom date ko." Sabi ni Elle.
"I am really sorry but I can't..." Sabi ni Rio.
"D—do you have a date?" Tanong ni Elle
"I don't have— pero I am not into..." binulong ni Rio ang mga sumunod na salita kay Elle.
Pakiramdam niya nabuhusan siya nang malamig na tubig sa sinabi ni Rio. Ngumiti si Elle—
"O—okay." Iyon ang mga salitang nauutal niyang sinabi.
Pumunta siya sa garden... at doon umiyak.
"Here." May nag abot sakanya nang panyo.
Inabot naman ito ni Elle at pinunasan ang luha niya pati na din ang sipon niya. Medyo napa ngiwi ang nag abot sakanya nang panyo.
"Wala na bang poise? Pero kasi kapag broken hearted ka kahit anong poise mo wala na yon! Sakit lang kasi mararamdaman mo." Sabi ni Elle.
Natawa lang naman ang lalake na nag abot sakanya ng panyo. "Okay lang yan. Kung masakit naman talaga diba?" Sabi nito.
"Masakit talaga lalo kung buong high school life ko siya lang crush ko tapos malalaman ko na— pareho kami nang hanap?!" Sabi ni Elle na may pag sinok na sa iyak.
The next day~ nilabhan ni Elle ang panyo na pinaghiraman niya. Nakakahiya naman kasi na ibalik na punong puno ng luha at sipon niya ang panyo nito.
Pag pasok ni Elle sa classroom nakita niya ang lalake na kasama si Mila— isa sa mga kaklase niya mukhang close sila nito. Lumapit si Elle sakanila at iniabot ang panyo nito.
"Thank you." Sabi ni Elle tsaka umalis at nag lunch na kasama ang mga kaibigan niya.
Naging close naman si Elle at Hennesy, kung tutuosin si Hennesy yung tipo ng kaibigan na masayang kasama dahil hindi ito nauubosan ng kwento kaya siguro close sila ni Mila. Madalas din makwento ni Hennesy si Mila kaso parating sinasabi ni Mila na ayaw niyang sumama sakanila dahil sa busy ito sa school.
Napansin niya na habang sa nagiging malapit sila sa isa't isa ni Hennesy para bang unti unti namang lumalayo si Mila rito.
"Nag away ba kayo ni Mila?" Tanong ni Elle habang sinamahan mag sukat ng suit si Hennesy para sa prom.
"Nag tatampo kasi ako sakanya... sabi niya sasamahan niya tayo para mag tingin at sabay sabay tayong mag titingin ng gown tapos hindi pala siya sasama satin at hindi din daw siya aattend ng prom." Malungkot na sabi ni Hennesy kay Elle.
"May gusto ka ba kay Mila?" pag usyoso ni Elle.
"Best friends kami. Hindi ba parang mali kung mag kakagusto ako sa best friend ko?" Tanong ni Hennesy sakanya.
"Hmm... sa tingin mo ba?" Tanong ni Elle. "Sa tingin ko kasi wala namang mali doon. Mali lang pag yung dahilan ng pagkasira ng friendship ay dahil sa feelings na yon." Sagot ni Elle sakanya.
"Para kang si Mila kung mag salita minsan, sure ako na mag kakasundo kayo." Nakangiting sabi ni Hennesy sakanya.
"Hmm may prom date ka na ba?" Tanong ni Hennesy sakanya.
"Actually wala." Sagot ni Elle habang nag titingin na pwedeng ipamilit sa color ng coat ni Hennesy.
"Hmm... can you be my prom date?" Tanong ni Hennesy sakanya.
"Hm... kung hindi dadating si Mila sasamahan kita pero kung dadating siya choose Mila over me. She is your best friend." Sabi ni Elle sakanya.
"Partner kayo ni Hennesy?" Tanong ni Yasmin kay Elle na nag ipit ng buhok niya ngayon.
"Hmm... sabi ko pag wala si Mila." Sagot ni Elle.
"May gusto ka ba kay Hennesy?" Tanong ni Yasmin sakanya.
"Mag kaibigan lang kami" Sagot ni Elle kay Yasmin. "Gusto ko din maging kaibigan si Mila." dagdag nya.
Tinignan ni Yasmin si Elle, nakikita niya na mukhang kaibigan nga lang talaga ang tingin ni Elle rito... eh paano naman si Hennesy na nag kakaroon na ng false hope?
"Sa tingin ko may gusto si Hennesy sayo." Sabi ni Yasmin kay Elle. "at sa tingin ko na mimisinterperet na nito ang mga actions mo." dagdag pa ni Yasmin.
"Kaya kung hindi mo siguro siya gusto... dapat sabihin mo na hanggang kaibigan lang ang tingin mo sakanya." Natahimik si Elle, sa tingin kasi nito nalilito si Hennesy at sympathy ang nararamdaman nito sakanya. Dahil sa kung malalaman lang nila kung gaano ka bukang bibig ni Hennesy si Mila, hindi ka mag dadalawang isip na ito'y may gusto kay Mila dahil sa kilalang kilala niya ito.
"Sinamahan ako ni Mila mamili niyang sunflower. Happy Birthday." Sabi ni Hennesy sakanya.
"Hmm... Pwede bang hindi na ako pumasok sainyo nag hihintay kasi si Mila." Sabi ni Hennesy.
"Oo naman--"
"Ay umuwi na siya." Nakasimangot na sabi ni Hennesy. ngumiti ito kay Elle. "Kain na lang pala ako sainyo diyan." Pag change of plans nito.
"Si Mila nag bake niyan? Ang talented no? kainis." Sabi ni Hennesy.
Dumating ang araw ng Prom night, bago ito ay napabalita na sasali na daw si Mila pero muli itong nag backout. Naisip pa man din ni Elle na iset-up si Hennesy at Mila... Magkasama si Elle at Hennesy sa iisang table.
"Hmm may gusto akong sabihin sayo." Pag umpisa ni Elle, mukhang tama si Yasmin. "Gusto kita." Sabi ni Hennesy na para bang hinahabol ang hininga at nahihiya.
Ngumiti si Elle. "Alam mo sa tingin ko hindi mo ako gusto." Sagot ni Elle kumunot kilay si Hennesy.
"Gusto kita bilang kaibigan ko Hennesy totoo iyon. Natulongan mo nga akong maka move on dun sa bwesit na crush ko e, pero kasi alam mo sa tingin ko... panandalian mong nakita sakin si Mila... dahil sa onti onti itong lumayo sayo kaya mas mabilis ka na attach sakin." Pag explain ni Elle.
"I'm sorry..." Sabi ni Elle.
Matapos ang pangyayareng iyon... pakiramdam ni Elle gusto na muna niyang magpaka layo layo matapos ang lahat nang nangyare... naka sira siya ng friendship, nasira niya din closeness nila ni Rio. Bubuoin na lang muna niya ang sarili niya at tatanggapin ang alok ng mama niya na mag migrate siya sa US. Madyadong masakit sa utak niya ang fact na
di lahat ng lalake ay babae ang gusto.
BINABASA MO ANG
Hi! Classmate
Short Story♥Collection ng School life One Shot Stories.♥ Sa Classroom nagumpisa akong nagkacrush. Natuto ng hindi lang academics kundi pati kung paano magpapansin kay crush, maging close kay crush, maging inspiration si Crush. Magkaroon ng friends, best fr...