A/N: Ang sumusunod na istorya ay maaaring naglalaman ng nakakadiri o nakakahiyang pangyayari. Matibay na sikmura ang kailangan!
(Sylvy POV)
Ang hirap talagang pigilan ang tawag ni inang kalikasan.
Pagpapawisan ka ng malamig, walang ibang papasok sa isip mo kundi ang banyo.
Kung bakit kasi ang tagal matapos ng discussion?!
Kung hindi lang ako nasa harap, nag-eskapid (escape/tumakas) na ako!
Mr. Orasan! Parang awa mo na! Tumakbo ka ng mabilis!
Ma'am, please tama na! Tapusin mo na ang discussion! Hindi pa naman magugunaw ang mundo bukas!
Magic Bell, hindi ka pa ba magriring? T^T
Slyvy, tiis lang! Kaya mo ito! Poker face lang, wag mong ipahalata!
Lumingon ako sa likod para tignan kung saang direksyon ako pwedeng dumaan para sumimpleng lumabas ng classroom. Nakita kong nakaupo nga pala dun sa dulo ang pinakamapang-asar naming kaklase. Plan A abort!
Alam ko na! Sesenyas nalang ako na magbabanyo!
Magtataas sana ako ng kamay ng merong nauna saken.
"Ma'am C.R. po." Si Lance ang nagpaalam.
"Ten minutes nalang, hindi ba yan makakapag-antay Lance o dumidiskarte ka na naman?" panghuhula ng teacher namin.
Nagtawanan naman ang mga classmate ko.
Plan B, abort!
Maya-maya, kinilabutan ako ng maramdaman kong parang gustong kumawala ng isang napakasamang hangin mula sa likod.
Naisip ko bigla ang future.
Siguradong agad nila maaamoy ang masamang hangin pag nilabas ko at agad nila malalaman na sa akin galing yun dahil ako ang nasa pinakaharap! Pagtatawanan nila ako! Sisikat na ako sa loob ng room at baka sa buong campus pa!
Kaya naman pinigilan ko.
This is a matter of life and death situation!
Naisip ko tuloy na sana kaya kong magteleport papunta sa banyo.
Tumingin ako kay Mr. Orasan.
Hinding-hindi ko ata makakalimutan hanggang pagtanda ko ang pangyayari na ito.
Tuesday; May 12, 11:55 am. Soooobrang gusto ko ng tumae!!!!
Pagkaring na pagkaring ng bell at sinabi na dismiss, agad akong tumayo at nag-speed walking palabas ng room.
"Vivi!" hindi ko pinansin ang tawag ng BFF kong si Michelle.
Patawarin mo ako Mich, tawag ni inang kalikasan!
Kalabas ng room, paipit akong tumakbo pababa ng hagdan at nagmadaling pumasok sa loob ng banyo!
Sa unang cubicle narin ako pumasok dahil gusto na talaga niyang lumabas.
At sa wakas!
Pagkatapos ng aking pagtitiis at paghihirap, nailabas ko na ang dapat ilabas!
Inilabas ko ang lahat ng sama ng loob!
At ng matapos na, ohh I feel in heaven~
Napangiti ako saglit dahil sa success pero nawala ang ngiti ko ng mapansin kong
BINABASA MO ANG
Hi! Classmate
Short Story♥Collection ng School life One Shot Stories.♥ Sa Classroom nagumpisa akong nagkacrush. Natuto ng hindi lang academics kundi pati kung paano magpapansin kay crush, maging close kay crush, maging inspiration si Crush. Magkaroon ng friends, best fr...
