Tumunog na ang bell signal na breaktime. Napabuntong hininga ako na pagod.
"Jhyll sama ka samen sa Canteen." Yaya ng isa sa mga classmate ko.
"No thanks." Agad na tanggi ko tsaka inilabas ang earphones para makinig ng music at tumakas sa maingay kong mundo.
"Okay.." pagalis nila. Hinintay kong makalabas sila bago ako tumayo at naglakad palabas ng classroom. Sakto namang kalabas ko, nandoon siya. Napangiti ako.
"Canteen?" Yaya niya. Inalis ko ang earphones ko at sumama sa kanya, "Libre mo ba?" hirit ko naman na nagpapapilit sa kanya.
"Pwede naman." Alanganing sagot niya na medyo napapaatras dahil sa paglapit ko.
Jeric Dela Peña, Jerdel in short. Magkababata kami dahil sa ilang beses na kaming nagkaklase buhat elementary. Kahit na hindi kami magkaklase ngayong highschool, parati parin kami nagkikita. Buti nalang magkatabi lang ang classroom naming this year. Masaya ako pag kasama siya at inaamin ko... gusto ko siya.
Pero hindi iyon ang problema dahil alam kong gusto niya rin ako. Ang totoong problema ay hindi pa siya nagtatapat saken.
Nagtataka siguro kayo kung paano ako nakasisiguradong gusto niya ako. Well, alam ko lang naman na ilang beses na niyang inarrange ang schedule niya para magkita kami. Ilang beses na sinilip ako. Ilang beses na binalak magtapat. Nakakainis lang kasi, bakit hanggang ngayon hindi parin siya umaamin?!
Anong sekreto at alam ko lahat ng iyon? YGHNGJHYLL Samson ang pangalan ko. Pronounce as Eyn-Jill. Iniisip ko somehow may kinalaman iyon sa mga anghel or anong meron sa previous life ko. Meron akong Psychic ability; Clairaudience. Naririnig ko ang mga iniisip ng tao. Kahit gaano man kaingay ang mundo ko, gumagaan ang araw ko marinig lang siya.
Matagal ko naring gusto si Jerdel at hanggang ngayon hinihintay ko parin siyang magtapat saken. Bakit kasi ayaw pa niyang magtapat eh 100% naman na malaking 'Oo' ang sagot ko.
Sa loob ng Cateen, inabot niya saken ang banana cake.
"Aiyeehh alam niya ang gusto ko." Bati ko na dumikit pa sa braso niya para tuksuhin siya. Nakita kong pigil ang pag ngiti niya.
Naku po, ang lapit na naman niya. Sh*t ang bango pa. Jerdel anu ba wag manyak! Ilang banana cake kaya para mapasagot siya?
"May bayad na yan sa susunod." Sabi niya saken na medyo umatras palayo na nahihiya.
Napangiti ako. Minsan nakakatuwa na marinig na hindi niya masabi ang nasa isip niya.
Umupo kami sa benches sa may basketball court para doon kumain.
Isip ng topic bilis! Ayaw mo namang maboring siya diba!
Tahimik kong pakikinig sa iniisip niya.
Chance na ba ito? Bakit wala ka pang boyfriend? Wala bang nanliligaw sayo? Sinong crush mo? Masyado bang halata pag ganon?
Kahit natatawa, pinigil ko.
"Jerdel bat wala ka pang girlfriend?" Pauna ko. May pagkagulat sa kanya ng lumingon saken.
"Ah-" nauutal siyang hindi makasagot.
"Hindi ka ba nagsasawang parati akong sinasamahan imbis na may kadate ka?" dugtong ko.
"H-Hindi ha! Ano namang naisip mo!" Mabilis na tanggi niya.
Ikaw ang gusto kong idate!
Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig iyon kaya naman di ko mapigilang mapangiti.
"Wala ka bang balak mag girlfriend?" Tanong ko.
"May hinihintay pa ako." Maikling sagot niya na medyo nakakadismaya para saken.
BINABASA MO ANG
Hi! Classmate
Historia Corta♥Collection ng School life One Shot Stories.♥ Sa Classroom nagumpisa akong nagkacrush. Natuto ng hindi lang academics kundi pati kung paano magpapansin kay crush, maging close kay crush, maging inspiration si Crush. Magkaroon ng friends, best fr...